Nagising akong maaga, it's Sunday and wala akong klase, and also today is my birthday! It's March 27 na today and I can't wait for our date mamaya ni Jacob, and syempre isasama ko si Grace para tatlo kaming mag cecelebrate ng birthday ko.
Excited akong bumangon sa kama at dumiretso na sa banyo.Maraming nangyari in the past days. Until now, I still couldn't believe na may mga studyanteng kayang gawin ang bagay na iyon. Sinabi rin ni Jacob sakin ang tungkol sa meeting nila. And Grace was right! Yun nga ang pinag-usapan nila sa meeting nila at yung tungkol sa mga hindi gagraduate na crim students dahil some of them ay hindi nakapasa sa mock board exam nila. I felt sad sa mga classmates niyang hindi makagraduate dahil sa hindi nakapasa sa mock board exam. Sayang yung 4 years na sacrifices nila at nung parents para lang makapagtapos pero hindi pala kasali sa list of graduates.
Natapos na akong maligo, nag luto agad ako ng breakfast ko. As usual, itlog na minix sa corned beef na may patatas para medyo healthy naman.
Kinuha ko ang cellphone ko at inopen iyon. Kaninang midnight ang naunang nag greet sa akin ay si Jacob, binasa ko yung message niya for me.
My love:
Baby, I know you're sleeping by now and I just want to greet you first before going to sleep. Happy birthday, baby. It's your special day, so I will make sure that it will be more extra special. See you later, I love you so much. Happy birthday, Shiloh.
Napangiti ako sa mataas niyang greeting sa akin. Ang corny talaga ng isang to minsan. Hindi ko muna siya ni replyan, at sinunod kong binasa ang greetings ni Grace.
Gracey:
Shiloh, happy happy happy birthday! Best friend, alam mo naman diba na mahal na mahal kita. You're my sister not buy blood but by heart. I hope you will enjoy your day, don't let the negativity pull you down today. Thank you for coming into my life, Shiloh. You're the best thing that happened in my college life. Happy birthday! Regalo ko ha hehe.
Sila lang dalawa ang nag greet sakin through text messages, dahil sila lang din ang may number sakin. Close friends ko lang or family anh binibigyan ko ng contact number ko.
Bigla akong nalungkot. Wala man lang akong nataggap na greetings mula sa family ko. Kay mama at papa. Akala ko makakatanggap ako especially sa mga pinag-usapan namin noong nakaraan sa tawag. Si Alisa, ang kapatid ko alam ko na she's gonna greet me through chat sa messenger.
Nag online ako habang hinihintay maluto yung sinaing kong kanin. Mag on palang ng data ko ay agad lumabas yung mga notification sa facebook, mga greetings ng mga classmates ko pati narin ng mga kakilala ko lang. Pumunta ako sa messenger at ang dami din message na nag greet.
Nakita ko ang message ni Alisa na natabunan na ng ibang messages, it was send kaning alas singko ng umaga. Inopen ko iyon at binasa.
Alisa:
Good morning, ate Shi. Happy birthday ate ko, I missed you so much na po.
Pa isa isa niyang sinend message niya sakin.
Alisa:
Uwi kana, wala akong kalaro. Ang boring palagi sa bahay kasi puro nalang ako aral, ayaw akong palabasin ni mama para mag laro sa labas.
Alisa:
Happy birthday ate, I love you very much. Uwi ka na ha.
Maybe it's alright? Hindi man ako grineet ng parents ko atleast nandyan yung mga taong kahit hindi man nila ako kilalang kilala, nandyan yung mga taong tulad ni Grace ay Jacob, ni Alisa. Ramdam ko namang mahal nila ako. They greet me, they assure me na this day will be more extra special kasi nandyan sila.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile (College Life Series 1)
RomanceShiloh, a girl who just want a simple things in life. Her parents always pressure her to get that laude title. To graduate with a laude is not her dream pero wala siyang magagawa pag yung parents niya ang gusto. During her college days she encounter...