Maya
"Anong pinakain mo sakin Maya? Bwisit!" Sabi ni Tungsten at tinapunan ako ng masamang tingin bago bumalik na naman sa pagpasok sa banyo habang hawak ang tiyan at ang bakal kung saan nakalagay ang dextrose.
Pang-ilan balik na ba niya sa banyo? Pangatlo? Pang-apat? Hindi ko na matandaan.
Ilang minuto matapos niyang kainin ang binili kong sopas ay bigla na lang sumakit ang tiyan niya. At ito nga ang nangyari. Malay ko bang sasakit ang tiyan niya. Kong alam ko edi sana hindi ako bumili sa karinderyang ’yon. Atsaka hindi naman sumakit ang tiyan ko, kanya lang. Malas niya.
Ilang sandali pa ang lumipas nang mapatingin ako sa pinto ng may kumatok. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok. Nabungaran ko ang nakangiting nurse na may hawak na isang pad ng gamot at charts. Siya ang nurse na hiningan ko ng gamot para sa sakit ng tiyan.
"Ito na ang hinihingi mong gamot miss. Tatlong beses mong ipainom sakanya yan para mawala ang sakit sa tiyan niya." Inabot ko ang inilahad niyang gamot.
"Ano masakit pa rin ang tiyan niya?"
"Oo eh."
"Sige. Babalik ako dito mamaya para tingnan kong bumuti ba ang lagay niya. Magra-rounds pa kasi ako."
Tumango ako kay nurse Ava, ayon na din sa nakita kong pangalan sa nameplate niya at nagpasalamat bago sinarado muli ang pinto. Pagkasarado ko ay sakto din namang bumukas ang pinto sa banyo at lumabas si Tungsten.
Pawis na pawis ito at tila lantang gulay na naglakad pabalik sa kama. Agad naman akong lumapit at inalalayan siya pahiga bago inayos ang dextrose niya at ilagay ang bakal sa gilid.
"Inumin mo tong gamot paraa mawala na yang sakit sa tiyan mo." Nagsalin ako ng tubig sa baso bago ako kumuha ng isang tableta at binigay sakanya.
Nagtaka ako dahil niisa sa inaabot ko ay hindi niya tinanggap. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na namang kaartehan ang naiisip nito?
"Ano pang hinahantay mo? Inumin mo na to."
"Ayoko."
"Anong ayoko? Paano mawawala yang sakit sa tiyan mo kong hindi mo to iinumin?"
"Ayoko nga!"
Napakamot ako sa ulo. Heto na naman kami. Pag-aawayan na naman namin ang katigasan ng ulo niya. Nang tingnan ko siya ay nakita kong sobrang sama ng tingin niya sa gamot na parang inaaway siya. Naipaling ko ang ulo pakanan. Hindi ko na din maiwasan ang mapakunot ang noo. Hindi kaya...
"Bakit kasi ayaw mong inumin? Para kang bata. Siguro takot ka sa gamot no?" Tanong ko at agad kong nakumperma ang hinala ko ng manlaki ang mata niya at mapalunok. Agad din namang nawala ang gulat niya at kung kanina ay ang gamot ang tinitingnan niya ng masama pwes ngayon, ako na. Para na siyang mangangain ng buhay kong tingnan ako. Kung nakakamatay lang ang tingin baka nasa morgue na ako ngayon.
"Hindi ako takot sa gamot!" Defensive niyang sabi. Nanlalaki pa ang butas ng ilong kaya halata masyadong nagsisinungaling.
"Edi inumin mo na! Hindi ka naman pala takot." Panghahamon ko sakanya.
Kita ko naman siyang lumunok ulit bago pagalit na kinuha ang gamot at tubig sa kamay ko at iniumang sa bibig niya. Napataas ang kilay ko ng sandali siyang tumigil.
"1...2...3..." Pilit kong pinigilan ang ngiti ng marinig ko ang mahina niyang pagbibilang bago pikit ang matang ininom ang gamot. Nakahawak pa ang mga daliri sa ilong.
Lukot na lukot ang mukha niya habang ibinibigay ulit sakin ang baso kaya hindi ko na mapigilan ang pagtawanan siya. Binigyan niya na naman ako ng masamang tingin bago umirap. Hindi pala takot ah! Kalalaking tao takot sa gamot.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Season 1)
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...
