Chapter 56

283 9 0
                                        

Maya

"Here."

Nilapag ni Mirkem ang mangkok ng buko salad sa harapan ko na siyang nagpatakam sa akin.

Inabot ko ang kutsara at hinalo pero agad akong napasimangot dahil hindi makita ang hinahanap. Inusog ko palayo ang mangkok at nag cross ng kamay. Nakita niya ang reaksyon ko kaya nag-aalala siyang napatingin sa akin.

"What's wrong? Hindi mo ba gusto ang ginawa kong buko salad?" Tanong niya at tiningnan ang mangkok.

"I thought you're craving for this?"

"Hmp!" Inirapan ko lang siya at hindi tiningnan.

"Do you want me to make you another one? Tell me, Amore, and I will make one for you." Puno ng pagsuyo niyang sabi at sinubukan akong abutin ng kanyang kamay pero bago pa niya ako maabot ay tinampal ko ito agad palayo.

Masama ko siyang tiningnan habang nangingilid ang luha sa mata. Lumulubo ang pisngi ko dahil sa pagpipigil ng hikbi.

"Hey-hey! Why are you crying? May nagawa ba ako?"

Hindi na siya magkandaugaga sa gagawin. Kung lalapitan at hahawakaan ba ako o mananatili sa kinatatayuan dahil sa masama kong tingin.

May kumawala ng hikbi sa bibig ko at kahit pigilan ko ay umatungal na ako ng iyak.

"Bakit... bakit mo hindi nilagyan ng ketchup ang buko salad? Gusto ko iyon eh!"

Laglag panga naman siyang napatingin sa akin.

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Mas lumakas ang iyak ko kaya mas lalo siyang nataranta. Nilapitan na niya ako at niyakap at pilit inaalo.

"Hush now. Sorry, I forgot."

Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mukha ko. Napalabi ako habang umiiyak pa rin.

Para akong isang bata na hindi pinagbigyan sa gusto at nagta-tantrums.

Kagabi ay nanaginip ako tungkol sa buko salad na may ketchup kaya iyon ang hiningi ko sakanya kagabi, pero dahil masyado ng late ay pinagpabukas na lang namin. Ewan ko ba dahil ang weird ng cravings ko nitong mga nakaraang mga araw.

At malaki ang pasasalamat ko dahil malaki ang pasensya sa akin ni Mirkem at pinagbibigyan niya ako sa lahat ng gusto ko.

Nakatingin lang siya sa akin at may maliit na ngiti sa labi. Mas napanguso naman ako.

"Such a cry baby." Sabi niya at nilapatan ako ng mabilis na halik sa labi. "Hush now, okay?"

Tumango-tango ako at nilapit ang mukha sakanya habang nakanguso pa rin. Para naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin dahil mas lumaki ang ngiti niya. Niyuko niya ang kanyang mukha at muli akong hinalikan sa labi.

His Obsession (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon