Chapter 52

477 16 0
                                        

Maya

"Amore, don't run. Baka madulas ka."

"Excited na ako, Mirkem." Masaya kong bulalas habang tumatakbo sa makipot na daan na siyang maraming nakatanim na mapupulang rosas.

Excited na akong malaman kong ano ang sorpresa niya sa akin ngayon. Wala yatang araw ang lumipas na hindi niya ako sinosorpresa na siyang lubos na nagbibigay ng kasiyahan sa akin.

Hindi ko alintana ang sumasabog kong buhok dahil sa may kalakasang hangin.

Nakasuot ako ng isang white off shoulder sunny dress at flat shoes sa paa. Nakaalalay ang isa kong kamay sa maumbok kong tiyan habang marahan pa ring tinatakbo ang pahabang daan.

Tumigil ako sa pagtakbo ng makalayo ng kaunti kay Mirkem. Inipit ko sa likod ng tenga ang buhok bago siya binalingan ng tingin. Matamis ko siyang nginitian at hindi naman ako nabigo dahil agad niya rin itong sinuklian.

Hindi gaya ko ay itim ang kulay ng damit na suot niya ganun rin ang short na suot kaya naman litaw na litaw ang maputla niyang balat. Para siyang nagliliwanag sa ilalim ng sikat ng araw.

Nang makita kong malapit na siya ay muli akong tumakbo palayo. Nakakatatlong hakbang pa lang ako ng mapasigaw sa gulat dahil sa biglaan niyang pagyapos sa katawan ko.

"You're always running away, Amore." Usal niya ng makalapit.

Ngumuso naman ako sa sinabi niya.

"At lagi mo rin naman akong nahahabol kahit naglalakad ka lang. Sabihin mo nga, may super powers ka ba, Mirkem?"

Misteryoso niya akong nginitian at umiling ng dalawang beses bago ako pinangko at binuhat. Sandali ulit akong napasigaw at hinampas siya sa balikat.

"Mahal lang kita kaya kita nahahabol. At hahabulin kita hanggang sa mapagod kang tumakbo at titigil na lang at walang ibang pagpipilian kundi ang hayaan akong makarating sa'yo."

Pagkatapos sabihin 'yon ay dinampian niya ako ng isang halik sa noo. Napapikit ako at nagsumiksik sa katawan niya. Mas humigpit ang yakap niya sa akin bago nagsimulang maglakad.

"Wala naman akong balak takbuhan ka. At kung tatakbo man ako alam kong iikot din ako at babalik sa mga bisig mo."

Wala akong narinig na sagot sakanya kaya bahagya ko siyang tiningala.

Nakatingin lang siya sa harapan at parang malayo ang abot ng isip. Wala namang reaksyon ang mukha niya pero ang mga mata niya ay puno ng iba't-ibang emosyon na hindi ko mapangalanan.

His Obsession (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon