a/n: Play niyo ang music para mas dama niyo ang chapter na'to. Enjoy reading!
Third Person's POV
"Fuck!"
Hindi mapigilan ni Marceau ang mapadaing nang ibalibag siya ng kapatid palabas sa bintana at tumama ang likod niya sa isang puno.
Malakas ang ginawang tunog ng puno at unti-unting nagkaroon ng malaking crack. Wala pang isang segundo ang lumipas ay lumagabog na ang lupa dahil sa pagbagsak ng katawan ng puno.
Magkakalayo ang bawat bahay at nasa pinakasulok sila napunta kaya nang matumba ang puno ay walang natamaang bahay.
"I already warned you, Marceau. Dont. touch. her."
Tiningnan niya ang kapatid na siyang bumalibag sakanya palabas sa kwarto ni Maya. Pinatunog niya ang mga nabaling buto sa katawan bago binigyan ng masamang tingin si Jherome.
"You really want to do this huh? You foolish, little brother!"
"I'm not foolish. I'm just protecting what's mine."
"You protect her too late, brother. You're too late because she's already ruined by the most important person in your life. What do you think would be her reaction if she finds out that the man who she fell in love with is the twin of the man who ruined her life?" Pailalim niyang tiningnan ang kapatid habang napapangisi. "Can you bear her hatred, brother?"
Ilang beses napakurap si Jherome sa narinig. Naisip na niya ang maaaring magiging reaksyon ni Maya. Tiyak siyang masasaktan ito at kamumuhian siya. Makakaya niya bang mabuhay habang kinamumihian siya ng babaeng mahal?
"Hindi mo kakayanin." Marceau conclude.
Pinalitaw ni Marceau ang sarili sa likod ni Jherome at bumulong ng mga salitang alam niyang hindi nito papakinggan at kokontrahin lamang.
"Kaya bakit hindi mo na lang ipaubaya sa akin ang pagpatay sakanya? You will be free."
Umiling ang kapatid na siyang inaasahan niya at nagtitimping nagsalita.
"Shut up."
"You fool. You already know the outcome of this actions of yours, yet you still choose to protect her. How ironic, you shouldn't protect her from me... but to yourself."
"Shut up." Nagtitimping sabi nito at matalim siyang tiningnan.
Isang inosenteng ngisi lang ang binigay niya sa kapatid at pinagsawalang bahala ang matalim nitong tingin.
"You're aware that the blood moon is approaching. And you know what it means. Tell me... can you really protect her this time? O magagaya lang din sa ilang daan o libong beses na mamamatay siya sa sarili mong mga kamay?"
"I said shut up!"
"No! You should the one who need to shut up. Wake up! You need to fucking wake up to reality, that no matter what you do, no matter what era or time you wait for her to reincarnate again, you'll not going to save her!"
Ayaw man niyang magsalita ng mga masasakit na salita pero kailangang gumising sa kahibangan ang kapatid niya. Matagal na ang panahong sinayang nito sa paghihintay sa babaeng kahit kailan ay hindi ibibigay sakanya ng tadhana. Nakatadhana man sila pero kahit kailan ay hindi sila papaburan. Mananatiling mamahalin ang isa't-isa pero kailanman ay hindi maaaring magsama.
Isang parusang ipinataw na kahit sila na ang pinakalakas na nilalang na matagal nang nabubuhay ay hindi kayang tibagin. Nang dahil lang sa isang buhay na nakitil ay habang buhay din silang maghihirap sa kahit anong panahon, oras, o lugar man. Walang lunas ang sumpa dahil kung meron man ay hindi na magtatagal nang ganito katagal ang pagdurusa ng kapatid.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Season 1)
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...
