Maya
Unti-unti kong iminulat ang mga mata dahil sa liwanag na tumatama sa mukha. Unang bumungad sa akin ang kisaming gawa sa bato. Bumaling ang tingin ko sa pinanggalingan ng liwanag. Nakita ko naman ang nakahawing kurtina.
Hindi ko maalala kong saan ako ngayon. Hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan at ngayon ko lang nakita.
Ang naalala ko lang ay ang pagdukot sa akin ng hindi kilalang lalaki.
Unti-unti akong napabangon nang maalala ang nangyari.
Kinidnap ba niya talaga ako? Anong gagawin niya sa akin? Papatayin? Gagawing sex slaves gaya ng napapanood ko sa TV? Pero buntis ako. Ang demonyo naman niya kung ganoon ang plano niya sa akin!
Kinilabutan ako sa naisip at napayakap sa sarili.
Dahan-dahan akong umalis sa kama at pasulyap-sulyap sa nakasarang pinto. May naririnig akong tila alon sa di kalayuan. Nilapitan ko ang bintana at binuksan.
Malamig na hangin ang bumungad sa akin kahit nakatirik ang araw. Sa malayo ay nakita ko ang mapayapang dagat na siyang pinanggalingan ng tunog ng alon.
Lumibot ang paningin ko pero hindi talaga pamilyar sa akin ang kinaroroonan kung lugar. Ganun na lang ang pag-awang ng bibig ko nang mapatingin ako sa ibaba.
Nasa pinakamataas ako ng isang... kastilyo? Oo literal na kastilyo pero hindi iyon ang mas nakakagulat kundi ang makitang nakalutang ito sa dagat.
Gaano ba kayaman ang kidnapper ko at may pakastilyo pa siya? Sosyalin!
Lumaki ang pagkakaawang ng labi ko. Ang malawak na garden na may kulay berdeng damo at ang maraming bulaklak ay siyang nagpamangha sa akin. Dumako pa ang tingin ko sa kanan, doon nakita ko ang parang maze na nakatirik. Maayos na naka-trim ang mga damo kaya maganda sa paningin.
Habang sa kaliwa naman ay malawak din na lupain na may iilang puno na nakahanay sa gilid. May ilang kabayo pa akong nakita na kumakain ng damo.
Ang ganda ng paligid. Para akong napunta sa sinaunang panahon kung saan nabubuhay ang mga maharlika.
Muling bumalik ang paningin ko sa garden kung saan ang mga bulaklak partikular sa mapupulang rosas.
May sumagi sa utak kong imahe ng isang lalaki habang may hawak na isang tangkay ng rose at inaabot sa akin.
Mirkem.
Nang maalala siya ay madali kong nahaplos ang malaking tiyan.
"Asan siya?" mahinang sambit ko sa hangin.
Sigurado akong hinahanap na niya ako ngayon. Baka nag-aalala na siya sa akin. Kailangan kong makaalis dito.
Muli akong napaharap sa pinto at dali-daling nagmartsa palapit. Isang ikot ang ginawa ko sa seradura at agad naman itong bumukas.
Nabungaran ko ang lalaking dumakip sa akin na akmang bubuksan din ang pinto.
Daliang galit ang naramdaman ko pagkakita sa kanya. Hindi ko napinigilan ang sarili at agad ko siyang hinampas sa ulo.
"Walanghiya ka! Kidnapper ka!"
Agad naman siyang napakamot sa nasaktang ulo. Alam kong malakas 'yon dahil sandaling namanhid ang palad ko.
"Aray! Ano bang problema mo at bigla ka nalang nanghahampas? Ang sakit ng ulo ko parang hinampas ng bakal. Pinaglihi ba sa bakal 'yang kamay mo?" malakas niyang reklamo habang nagkakamot pa rin sa ulo.
Hindi ko naman pinansin ang sinasabi niya at muli siyang hinampas. Sunod-sunod.
"Kidnapper ka! Dapat sa'yo kinukulong!"
BINABASA MO ANG
His Obsession (Season 1)
VampirA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...
