Chapter 55

331 9 0
                                        

Maya

"Hmm." Mahina kong ungot at tumalikod mula sa malambot na bagay na siyang dumadampi sa mukha ko.

May narinig akong tawa sa likuran pero hindi ko maproseso kung sino iyon dahil sa sobrang antok na nadarama.

"Hey there, sleepyhead. It's time to wake up." Bulong ng taong iyon sa likuran ng tenga ko.

Agad akong nakiliti dahil sa pagdampi ng hininga niya sa tenga ko kaya tinampal ko palayo ang kung sino mang istorbo at umusog palayo.

"Ah!" Gulat na sigaw ko dahil hindi pa ako nakakalayo ay may humila na sa akin pabalik sa dating pwesto ko.

Iminulat ko ang mga mata at masamang tiningnan ang salarin. Nakita ko naman ang gwapong mukha ni Mirkem na nakatunghay sa akin.

Malaki ang ngisi sa labi niya at parang sayang-saya makita ang nakabusangot kong mukha.

"Good morning, Amore."

Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi at inabutan ng pulang rosas. Hindi naman ako nagpakipot at inabot din ang binibigay niyang bulaklak.

Tiningnan ko ang hawak na rosas. Hanggang ngayon kapag binibigyan niya ako ng rosas ay hindi ko maiwasan ang mamangha dahil sa sobrang ganda ng bulaklak. Napakapula na parang tumitingkad, lalo na kapag nasisinagan ng araw at malalaki pa kaya sobrang nakamamangha tingnan.

At para namang nawala ang inis ko at gustong ngumiti dahil sa ginawa niya.

Pinigilan ko ang ngiti ko at binigyan siya ng irap para itago ang kilig na naramdaman.

"Lage mo na lang akong ginigising ng maaga." Ingos ko.

Inabot niya ang sumabog na buhok sa mukha ko at inilagay papunta sa likuran ng tenga.

"Lagpas alas diyes na ng umaga at nag-aalala lang ako dahil hindi ka pa kumakain ng agahan."

Nakasunod lang ang tingin ko sa mukha niya kaya naman kitang-kita ko ang pagkislap ng saya sa asul niyang mga mata.

Kumpara noong mga nakaraang araw ay maayos na ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko na kita ang lungkot doon na ilang araw ko ding napapansin.

Mahinang pinisil ng daliri niya ang pisngi ko kaya muli akong napasimangot at napaaray kahit mahina lang naman ang pagpisil niya.

"Mikem naman eh!" Reklamo ko at tinampal ulit ang kamay niya.

Muli niya akong tinawanan. Pinupog niya pa ng halik ang buong mukha ko kaya kahit ayaw kong ngumiti ay hindi ko mapigilan.

Pinikit ko ang mga mata at ninamnam ang bawat halik niya hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng noo niya sa noo ko at ang mabining haplos na ginagawa niya sa pisngi ko.

"You are so beautiful."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Sinakop ng mga kamay ko ang pisngi niya at hinaplos din ng mahina.

"At ang gwapo mo rin." Mahina kong bulong sa kanya.

Tumango-tango naman siya na parang sumasang-ayon sa sinabi ko.

"Kaya bagay na bagay tayo."

Mahinang napatawa na lang ako sa sinabi niya at tumango.

"Bagay na bagay."

Iminulat ko ang mga mata at tiningnan ang mukha ni Mirkem. Nakalapat pa rin ang noo niya sa noo ko kaya kitang-kita ko nang malapitan ang gwapo niyang mukha.

His Obsession (Season 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon