Chapter 53

373 16 0
                                        

Maya

"Ang laki Tungsten!" gulat kong bulalas.

"You want it?" tanong niya kaya ilang beses akong tumango.

Napangiti naman siya at nagsimulang maghubad ng suot na t-shirt.

Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa ginawa niya. Bakit kasi kailangan niya pa maghubad ng damit? Hindi naman kailangan pa 'yon. Napanguso ako habang nakaiwas pa rin ng tingin at nilibot ang tingin sa paligid. Oo na, ang ganda ng katawan niya pero mas maganda pa rin ang kay Mirkem.

Nag-init ang dalawang pisngi ko nang maalala ang katawan ni Mirkem. Taga umaga ay ang palaging bungad sa akin ay ang magandang katawan niya at kahit ilang beses ko ng nahawakan ay hindi pa rin ako sanay. Sa bawat sandaling nakikita ko ang mga namumutok na laman sa tiyan niya ay para akong kinikiliti ng kakaibang pakiramdam. Lalo na sa tuwing niyayakap niya ako ay para na akong kinukumbulsyon. Para akong kinikilig na ewan.

"Bakit ang pula ng mukha mo? May masakit ba sa iyo?" tanong ni Tungsten nang mapansin niya ang pamumula ng mukha ko.

"W-wala!" pasigaw kong tanggi. 

Nakakahiyang malaman niya ang iniisip ko. Baka sabihin niyang pinagnanasahan ko si Mirkem. Kahit 'yon ang totoo ay ayaw ko pa ring aminin. 

Nagkibit-balikat lang siyang inabot sa akin ang damit niya. Nag-aalangan pa ako kong aabutin ko ba o hindi pero kalaunan ay inabot ko na rin at nilagay sa kaliwang balikat. Agad ko ring tinggal nang manuot sa akin ang natural niyang bango nang humangin.

Nandito kami sa likurang parte ng kastilyo kung saan maraming nakatayong puno ng mangga. Nakatayo na kami rito sa harap ng malaking puno ng mangga kung saan hitik sa bunga.

Naghahanda na si Tungsten sa pag-akyat at ang suot na sapatos naman ang hinuhubad niya ngayon. 

"Kunin mo 'yong bunga ah. Gusto ko ng malaki." muli kong paalala kay Tungsten.

Nang magising ako kaninang  umaga ay ang unang hinanap ng panlasa ko ang maasim na lasa ng manggang nakita ko ng minsang maligaw ako rito sa likurang bahagi ng kastilyo.

Wala namang sinabi si Mayor Rich na hindi pwede ang manguha kaya nang susubukang ko sana ang sumungkit ay nakita naman ako ni Tungsten at agad nagpresinta. At sino ba naman ako para humindi kong mangga na ang pinag-uusapan.

Ewan ko ba ngayon lang ako ulit nakakaramdam ng cravings. Siguro dahil sinanay ako ni Mirkem. Sayang lang at wala siya rito para siya mismo ang magbigay ng gusto kong kainin gaya ng palagi niyang ginagawa.

Nakakyat na si Tungsten sa puno at nagsisimula nang kumuha ng mga bunga na malapit sakanya. May nakalagay na maliit na bag sa baywang niya na siyang pinaglalagyan niya ng mga nakuhang magga. Ilan na ang nakukuha niya at mukhang hindi naman siya nahihirapan.

"Iyon pa Tungsten." turo ko sa malaking bunga sa likod niya.

Agad din naman niyang inabot iyon at nilagay sa bag. Nang akma siyang hahakbang sa isang sanga ay muntik na siyang dumulas kaya napasigaw ako. Mabuti na lang at mabilis siyang nakahawak sa isa pang sanga. 

Para akong tinakasan ng dugo sa nangyari kaya naman ay agad ko na siyang pinababa. Mahirap na ang maulit pa 'yon at ang masama ay mahulog na talaga siya ng tuluyan. May kataasan pa naman ang puno at mabato pa ang ibaba kaya sigurado akong mababalian siya ng buto pag nahulog siya. Kargo de konsensya ko pa pag nagkataon.

Nakaupo na ako ngayon sa isa sa mga kahoy na upuan na nakapalibot sa pabilog na lamesa. Nakalagay ang ilang mga nakuhang mangga ni Tungsten sa lamesa habang nakatayo siya at nagbabalat ng mangga. 

His Obsession (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon