Chapter 45

1K 22 8
                                        


Third Person's POV

"Ah!"

Isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan ng babae dahil sa matinding sakit na nadarama. Sinubukan nitong kumawala pero hindi nito magawa dahil sa mahigpit na hawak ni Mirkem sa 'kanya.

Kitang-kita ng mga tao ang nangyayari sa harapan. Gulat na gulat sila habang pinagmamasdan si Mirkem na nakabaon ang ulo sa leeg ng babaeng host. Ang dating lumalabas na salita sa kanilang mga bibig ay napalitan ng mga singhap. Unti-unti ng napapatayo ang ilan sakanila at napapaatras habang ang iba ay parang naitulos sa kinauupuan at hindi makagalaw.

"I-is this part of the p-party?" nanginginig na tanong ng isang foreigner na bisita.

Walang sumagot dito dahil kagaya niya ay 'yan din ang tanong ng ilan.

Muling napasinghap ang mga tao at napaawang ang mga labi, nanlalaki ang mga mata nang unti-unti nitong itaas ang ulo. Ibang-iba na ang anyo nito. Malayong-malayo sa nakangiting lalaki kanina. Sobrang pula ang mga mata na parang dugo, nakalabas ang mga pangil at puno ng dugo ang bibig na siyang umaagos pababa.

Lupaypay na ang kawawang katawan ng babae. Ang dating puting suot nito ay nabahiran na ng sariling dugo. Nanginginig din ang katawan na parang isang manok na ginilitan sa leeg.

"A-anong klase kang nilalang? Halimaw! Isa siyang halimaw!" sigaw ng isang lalaki na agad ding sinundan ng iba.

"Tama. Demonyo!"

"Halimaw!"

Ngumiti si Mirkem ng matamis habang sumisigaw ang mga tao. Hinawakan niya ang babae at gamit ang isang kamay ay sinakal niya ito at binuhat sa ere. Mahinang nagpupumiglas ang babae, pilit pa ring kumakawala.

"T-tulong..." p 'aghingi nito ng tulong pero walang naglakas ng loob na lumapit. Lahat sila ay takot sa maaaring gawin ni Mirkem sakanila.

Samantalang, nakangisi naman ang mga bampira habang nakatingin sa nangyayari. Rinig na rinig nila ang malalakas na pintig ng puso ng mga tao. Ang kaba at takot ay ramdam nila sa paligid. Idagdag pa ang mabangong amoy ng dugo ng babaeng host na kumakalat sa paligid.

Nakaupo pa rin silang lahat. Kahit nakangisi ay kita pa rin ang pagtitimpi sa mga mukha. Mabilis na tumataas-baba ang mga balikat, habol na habol ang mga hininga at namamawis ang mga noo sa pawis dahil sa naaamoy na dugo. Lumalabas na ang anyo ng pagiging bampira nila. Ang uhaw ay kita sa mapula nilang mga mata, sa nakausling mga pangil. Kunting-kunti na lang ay mapapatid ang kanilang pagtitimpi at susugod sa mga tao.

Ngunit hindi sila maaaring sumugod na lang basta-basta nang walang binibigay na pahintulot galing kay Mirkem.

Kalahati sa mga dumalong bampira ay takot sa 'kanya. Sinong hindi? He's one of the first of their kind. Half of the population of the vampire, was converted by him. He's one of the Vladislaus who turned and gave them power. They respect and respond only to their maker. And whoever is your maker is your king. Kaya kahit gaano pa kauhaw ang nararamdaman nila, kailangan pa rin ng pahintulot nito.

Na kahit malayo pa ang kanilang nilakbay. Ay handa silang maghintay. Dahil ngayon na lang ulit sila pinatawag nito. Ngayon lang ulit sila nakawala sa kabaong na pinagkulungan nila ng mahabang panahon kaya kahit may ilan mang may hindi pabor kay Mirkem ay walang magagawa. Kapalit ng kalayaan nila ang pwersahang pagsunod dito.

His face maybe look innocent but they perfectly knew what monster beneath those innocent facade. He can kill without even batting an eye. He's the monster of all monster. Walang pinapatos. Kahit bampira mang kagaya nila. Kahit pa ang nakakatandang kapatid nitong si Marcaue ay hindi nito sinasanto.

His Obsession (Season 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon