Inspector Santiago
Nakaupo ako sa harapan ng mesa sa loob ng bahay kaharap ang umuusok pang tasa ng kape.
Napahilot ako sa sintido at napatingala. Pagod at puyat ang nararamdaman ko at gusto ko na lang matulog kung hindi ko lang inaalala ang maiiwang trabaho. Halos wala na akong tulog dahil sa ginagawa kong bagong gamot o tamang sabihing lunas para mawala ang koneksyon sa isa't isa nila Jherome at ng bampira.
At hanggang ngayon ay wala pa rin akong napapala. Lahat ng paraan ay sinubukan ko na, pero palpak lahat.
Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan kong gawin. Pakiramdam ko ay may kulang. Pero hindi ko naman alam kung ano ang kulang.
Nakakainis! Kung hindi lang dahil sa utang na loob ko kay Gibran ay hindi ako mag-aaksaya ng panahon gumawa ng lunas. Matagal na sanang namaalam ang bampira sa mundong ito.
Ilang segundo lang yata ang lumipas nang may maramdaman akong presensya kasunod ang tunog ng hinilang upuan.
"You're fast." Hindi tumitinging saad ko sa bagong dating. "But next time, use the damn door before you enter. I don't care if you are the Creation or a God, just use the door and knock."
Wala akong narinig na sagot mula sakanya kaya tinanggal ko ang kamay at tiningnan siya.
Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ko at kasalukuyan ng sumisimsim sa kape. Nangunot ang noo ko at tiningnan ang harapan. Wala na ang nakalagay doong tasa at ang kasalukuyan niyang iniinom ay ang kape ko pala.
"That's my coffee! Go get yourself one!"
Mabilis kong kinuha sa kamay niya ang tasa at inilagay ulit sa harapan ko. Tumaas naman ang kilay niya sa ginawa ko. Tumapon ang kape sa kamay niya dahil sa paghila ko.
Parang wala lang sakanyang kumuha ng tissue at pinunasan ang kamay.
"Is that how you treat your visitor, Inspector? How rude."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at uminom lang sa kape na nasa kaparehong tasang ininuman niya.
Inilibot niya ang tingin sa paligid bago tumigil sa isang pinto na papunta sa likod bahay kung saan ang basement.
"Don't worry, his organs are still intact." Tukoy ko sa kapatid niyang nakakulong sa basement.
Bumaling naman ang paningin niya ulit sa akin dahil sa narinig. Nagkibit balikat siya at muling inabot ang kape ko at uminom na naman.
Umasim ang ekspresyon ng mukha ko at tinignan siya ng masama. Wala naman siyang pakialam na ibinaba lang sa harapan ko ang tasa.
"I know. Pero hindi siya ang pinunta ko rito." Sumeryo ang mukha niya at dumukwang ng bahagya sa lamesa.
"Where is it?"
Kahit hindi niya sabihin ng diritsahan ay alam ko na ang tinutukoy niya.
Alam kong darating ang araw na kukunin niya sa akin ang bagay na 'yon.
"What do you want from it?" Hindi ko mapigilang tanong sakanya.
Nagkibit balikat siya at sumandal sa upuan.
"Nothing. I just want to get what's mine. Natural lang na kukunin ko ang kung anong akin."
Kumuyom ng bahagya ang kamo ko sa ilalim ng mesa. I'm maybe finished reading it but I'm still not satisfied about what I've read. I know there's still more behind those words and pages.
"I still need it." Seryoso kong protesta at umiling pa.
Kulang pa ang nakukuha kong impormasyon mula sa libro—kung tutuosin nga ay wala akong nakuha maliban sa malamang sila ay ang sinaunang pamilya ng bampira.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Season 1)
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...
