Tungsten
"Where are you both going?" tanong ng pamilyar na bampirang babae.
Hindi ko alam kong saan siya galing dahil bigla na lang siyang sumulpot sa harapan. Hinawakan ko ng mahigpit si Maya at tinago sa likod ko. Mahirap na baka maisipan na naman niyang tumakbo.
Nang pasadahan ko ng tingin ang babae ay nakita kong siya 'yong kasama nila Jherome at ang babaeng nambulabog sa akin sa Heaven's Town.
"Trying to escape, huh?" she tilted her head and narrowed her eyes as she looked at us.
"It's not of your business, vampire. Paraanin mo kami."
She let out a scoff before looking at me from head to toe.
"Oh, hottie. You're maybe my type but I can't let you pass, not until you handed that bitch to me."
Mas lalo kong tinago si Maya sa likuran ko sa narinig. Kung susugod man siya ay gagawin ko ang lahat para mapigilan siya. Hinding-hindi ko ibibigay si Maya sa kanila. Magkamatayan man.
I knew I was no match for her strength because I was just an ordinary human, but if I had to risk my life for Maya, I would do it. Hindi ako makakapayag na mawala na naman siya ngayong hawak ko na siya.
"And what if I don't?" mariin kong tanong.
In just a blink of an eye, she was already in front of me, her face now dangerously close to mine.
She flashed me another grin before lifting her hand and trailing the back of her hand across my cheek, which I quickly brushed away.
"You will hottie," mapang-akit niyang bulong.
Lumalandas lamang ang kamay niya sa mukha ko at kahit gustuhin ko mang umatras at lumayo ay hindi ko ginawa, dahil para ko na ring inaming natatakot ako sa 'kanya.
Her hand slid down to my neck, and she slightly placed her fingers there. Then, without warning, she strangled me and pulled her face closer to me.
"I will make sure you will." mabilis sinalubong ng mapupula niyang mga mata ang mata ko pero agad ko ring pinikit ang akin.
Binalaan na ako ni Inspector dito. Vampire will use compulsion to get what they want. Isang beses na niyang ginawa sa akin to at hindi ko hahayaang sa pangalawang pagkakataon ay mangyari ulit 'yon. Tama na ang isang beses.
"Open your eyes!"
I didn't listen to what she said and squeezed my eyes shut even tighter. I let go of Maya's hand and grabbed the vampire's hand tightly.
"Run, Maya. Please, run." utos ko.
"A-ayaw ko." nauutal niyang sabi.
Halos naman mapasinghal ako. Bakit ayaw niyang sumunod? Akala ko ba gusto niyang tumakbo palayo sa akin kanina? At ngayong binibigyan ko na siya ng pagkakataon, aayaw naman siya. Ang gulo niya!
Sinubukang hilahin ng bampira ang kamay niya pero hindi ko siya hinayaan. Agad ko siyang hinila sa kamay at inikot para ipulupot ang kamay sa kanyang katawan at sakalin.
"Let me go! Bastard!"
Nilingon ko si Maya habang nakangiwi. Masyadong malakas ang bampira at kaunti na lang ay makakatakas na siya sa hawak ko.
"Ano pang tinatayo mo? Tumakbo ka na!" I couldn't help but raise my voice. I looked at her in frustration as I tightened my grip on the vampire's hand.
Nakita ko ang pagkadisgusto sa mukha niya at nagawa pa niyang humalukipkip sa harapan ko.
"Ayaw ko nga! Nakakatamad kaya ang tumakbo. Kung gusto mo ikaw na lang ang tumakbo." sigaw din niya pabalik.
Napapikit ako sa sinabi niya at napahinga ng malalim.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Season 1)
RomanceA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...
