Tungsten
We are still looking at Mirkem. I can clearly see his monstrous bloody eyes fixed on us, wanting nothing but for us to be dead.
Napalunok ako ng sariling laway. Tumingin ang masamang tingin niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang makaramdam ng kilabot. I can clearly see in his eyes that he wants me dead.
Mukhang kailangan ko ng magtingin-tingin ng kabaong pag alis ko rito dahil tiyak akong hindi man ako mamamatay ngayon, ay sa susunod naming pagtatagpo ay matuluyan na ako.
"Brother." tawag ni Jherome sa kapatid.
Mahinahon lang ang boses niya pero nang balingan ko siya ng tingin ay kita ko ang seryoso niyang mukha.
Napahilamos ako ng mukha. Ang lakas pa rin ng ulan at parang wala yatang planong tumila. Idagdag pa ang malakas na kulog at kidlat.
"Give her back to me, brother and I will spare you." muli kong rinig na sabi ni Mirkem.
Naglalakad na ito palapit sa kinatatayuan namin kaya naging alerto ako.
Palipat-lipat ang tingin ko sakanilang magkapatid at pinakikiramdaman. Napansin ko ang pag-abante ni Jherome kaya agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.
"What the hell do you think you're doing?" galit kong sabi sa kanya.
Is he going to give Maya to him? Kung ganoon ay hindi ako papayag!
"Get your hands off of me." I tighten my grip on his arm as he tried to shrug my hands.
"I will not! You're going to give Maya to him? Are you fucking serious right now?" kunot na kunot na ang noo ko dahil sa galit.
He shrugged my hands from gripping his arms harshly kaya nawala ang pagkakahawak ko sa kanya bago ako tiningnan ng seryoso.
"Did I say I will give her to him? You assume things easily, Silmarien. I'm not stupid to give Maya to him." ani niya.
Bigla akong nagtaka nang hawakan niya ang kamay ko at hinila paabante. Bago pa ako makapagtanong ay inilipat na niya si Maya sa mga braso ko. "Hold her and keep her safe. I will just going to deal my foolish brother."
Iyon lang ang huli kong narinig bago siya nawala sa harapan ko. Kasunod no'n ang malakas na tunog ng mga kahoy dahil sa pagtama ng kanilang katawan. Napatingin na lang ako sa mga puno.
Hindi masundan ng mata ko ang bawat galaw nila dahil sa sobrang bilis at parang hangin ang mga galaw. Ang nagtutumbahang mga puno lamang ang naiwan sa mararahas nilang galaw.
Bloody hell. They're literally fucking destroying the forest!
Niyakap ko ng mahigpit ang katawan ni Maya bago sinandal ang likod sa puno. Inayos ko rin ang pagkakapatong ng coat sa katawan niya para maparotektahan siya sa lamig at ulan.
Mabuti na lang at malaki ang punong sinasandalan ko at madaming sanga kaya kahit papaano ay hindi kami masyadong nauulanan.
Muli kong pinunasan ang basang mukha. Sobrang lamig na ng hangin at kulang na lang ay mangatal ang katawan ko. Wala na sa hitsura ang suot kong puting damit at sapatos dahil sa dugo at putik. Madilim na rin ang paligid dahil natakpan na ang buwan ng ulap.
Mas niyakap ko si Maya para kahit papaano ay magkaroon ng init ang katawan.
It's been almost an hour now but they still not done fighting.
Bawat minutong lumilipas ay mas lumalakas ang ulan at pagwala ng kidlat. Patuloy pa rin ang malalakas na pwersang tumatama sa lupa. Hindi ko lang masabi kung bagay ba... o tao na siyang nagpapalindol sa paligid.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Season 1)
VampirosA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...
