Chapter 54

585 19 0
                                        

Maya

"Mirkem." Mahina kong tawag sa taong nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Dim ang ilaw ng buong silid na nagmumula sa lampshade na nasa gilid pero kahit ganoon ay kita ko pa rin naman siyang nakatunghay sa akin.

"Hey." Nginitian niya ako at inabot niya ang mukha ko at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. 

"Go back to sleep. It's still past midnight."

Hindi ko siya sinunod bagkos ay pinakatitigan ko pa ang gwapo niyang mukha.

"Hindi ka natulog?" tanong ko.

Hindi naman siya sumagot at pinagpatuloy lang niya ang paghaplos sa buhok ko. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pag-alala para sakanya. Ilang gabi rin akong nagigising sa kalagitnaan ng gabi at nakikita siyang palaging nakatayo sa harap ng bintana at malayo ang tingin. O kaya gaya ngayon na nakaupo sa kamang hinihigaan ko at pinagmamasdan ako. Parang hindi makatulog dahil sa mga bumabagabag sa isipan na hindi ko rin alam kung ano.

Hindi ko maarok kong anong laman ng isipan niya pag nakikita ko siyang malayo ang tingin, pero isang emosyon lang ang nakikita ko sa mga mata niya, lungkot. Lungkot sa hindi ko malamang kadahilanan.

At habang nakikita ko siyang malungkot ay para rin akong nalulungkot na ewan. Parang gusto kong pawiin ang lungkot na nadadarama niya.

Pinigilan ko ang kamay niyang humahaplos sa buhok ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Kailangan mong matulog, Mirkem. Baka mapano ka pa pag pinagpatuloy mo ang hindi pagtulog."

Dinala niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya papunta sa bibig niya at masuyong hinalikan ang likod ng palad ko. 

"I'm okay. Don't mind me." Bulong niya sa pagitan ng halik niya sa kamay ko.

Mabilis ko naman siyang inilingan. Umupo ako mula sa pagkakahiga at umusog palayo para bigyan siya ng espasyo sa gilid ko. Hinila ko siya at pilit pinapahiga sa dating pwesto ko. Habang ako naman ay sumandal sa headboard ng kama.

"Hindi. Kailangan mo matulog. At hindi ako tatanggap ng hindi kaya matulog kana." 

Akala ko hindi niya ako susundin dahil muli siyang bumangon pero nang ihiga niya ang ulo niya sa hita ko ay agad akong napangiti. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok at bahagyang yumuko para abutin ang labi niya't halikan sandali.

Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong may bumabagabag sakanya. Kita iyon sa pagod niyang mga mata na pilit niyang tinatago sa akin.

His Obsession (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon