Tungsten
Nanatili lang ako sa likod ni Jherome at nakasunod sa kanya. Ilang minuto na rin ang lumipas simula ng iwanan namin si Inspector Santiago.
Ilang hakbang pa ang ginawa namin hanggang sa bumungad sa amin ang buhanginan at sa hindi kalayuan ay ang mapayapang dagat.
Lumibot ang paningin ko sa paligid. Nagtataka kong bakit kami nandito sa dalampasigan.
"I think we're lost." hindi sigurado kong basag sa katahimikan.
Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at tuloy-tuloy pa rin sa paglakad. Bumuka ang bibig ko at bago pa ulit makapagsalita ay nakita ko na lang siyang naglabas ng maliit na kutsilyo at hiniwaan ang palad niya.
Pinatakan niya ng kaniyang dugo ang kinatatayuang buhangin. Muli na namang lumindol. Sobrang lakas na parang galing sa ilalim ng dagat at pataas.
Umawang na lang ng malaki ang bibig ko nang ang mapayapang tubig sa dagat ay unti-unting natuyo-mali, dahil gumigilid lang pala kasabay ang paglitaw ng isang isla? Yes, a fucking island with a big black castle. What the fuck? How the heck he do that?
Nahawi rin ang tubig sa gawi namin na at lumutang ang pahabang daan.
Gulat na gulat pa rin ako sa nasaksihan at kung hindi pa niya tinawag ang atensyon ko ay hindi ko pa malalamang naglalakad na siya papunta sa isla.
Manghang-mangha pa rin ako sa nasaksihan. Para siyang si Moses na naghawi ng dagat pero kaibahan lang ay hindi niya hinawi ang dagat, kundi nagpalitaw ng isla. Napailing na lang ako sa naisip.
Nanatili lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa marating namin ang matayog na gate. Agaran itong bumukas na parang inaasahan ang kaniyang pagdating.
Sinalubong kami ng pamilyar na babae na nasa tingin ko ay nasa mid
30's na. Naningkit ang paningin ko habang inaalala kung saan ko siya nakita.
"Jherome, kanina pa kita hinihintay. I'm glad you're home now." sabi nito at niyakap si Jherome na agad din sinuklian ng huli ng yakap.
"Oh, you have company." agad itong kumalas sa pagkakayakap at tumingin sa gawi ko.
Doon ko mas natitigan ang mukha niya at parang gusto kong mapa-facepalm. She's the Mayor. How can I forget her face?
"Good evening, Mayor." bati ko at hilaw na ngumiti sa kanya. Sinuklian niya naman ang pagbati ko at ngumiti rin.
"Rich, please accompany them to the guest room. I'm just going to take a rest."
Agad kaming iniwan ni Jherome at nagpunta sa kung saan man.
"Follow me."
Sumunod lang ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang mabatong disenyo ng loob. Dim ang kulay ng ilaw sa paligid dahil sa mga tanglaw ng apoy na nakadikit sa pader. Tahimik din ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang alon ng dagat.
Hindi ko mapigilan ang ilibot ang paningin. Sobrang lawak ng paligid at maraming pasikot-sikot na hagdan sa unahan. Masyado ring malawak ang bulwagang kinaroroonan namin.
In the right, I saw the big fireplace surrounded by the couches. While in the left is the big windows na tinatakpan ng floor to ceiling na mga kurtina. Umihip ang hangin kaya bahagyang nahawi ang kurtina at nakita ko ulit ang gubat na dinaanan namin.
There's also a huge portraits of people hanging in either side of the wall. Ang ilan ay hindi ko kilala. May kanya-kanyang portrait silang lima pero tumagal ang tingin ko sa pinakamalaking landscape portrait kung saan magkakasama sila.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Season 1)
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...
