🔐 @lilyanadump
hindi ako makatulog. hindi mawala sa isip ko mga chat sakin ni zion. paulit ulit na pumapasok. hindi ko nga alam kung magrereply ba ako o huwag na. mas pinili kong wag na lang magreply dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.🔐 @lilyanadump
naalala ko nga, hirap na hirap sakin si zion. kita ko na gusto niya akong kausapin ng matagal kaso palagi kong pinuputol, kaya wala siya magawa kundi ang tumahimik.🔐 @lilyanadump
hindi sa ayaw ko siyang kausapin, bukod sa ayokong magsalita, ayoko rin na kinakausap ako. kung importante, ayos lang, pero yung kay zion, kung ano ano mga pinagsasasabi at pinagtatatanong. kung anong kulay daw ba gusto ko, kung ano daw paborito kong number sa electric fan.🔐 @lilyanadump
wala akong ibang ipinakita kay zion kundi ang pagkainis ko sa kaniya.🔐 @lilyanadump
pero siguro naman ay nakabawi na ako sa lahat ng pinakita kong inis sa kaniya, dahil bukod sa pinagsasasagot ko ang mga tanong niya, hinahayaan ko na rin siyang ihatid ako pauwi sa bahay at pumasok sa buhay ko.🔐 @lilyanadump
sana alam mo, zion, na hindi naging madali ang lahat sakin — ang papasukin ka sa buhay ko. ang tibagin ang harang na inilagay ko para sa sarili ko. naging madali lang sakin dahil ikaw 'yan. ikaw si zion.
