Lilyana.
naalala mo ba yung una nating pagkikita? yung nalaglag ako sa puno. hindi ko makalimutan ang araw na 'yon, dahil bukod sa nakita mo kong nakasalampak sa sahig, umakto ka pa na wala kang nakita. ayos ka rin ih hahaha.
wala naman talaga akong gusto sa'yo. sino ba naman kasi ang magkakagusto sayo eh ang sungit sungit mo tapos palagi pa tayong naghahabulan sa ranking kaya talagang ayaw ko sa'yo ^^.
nacurious lang ako kasi wala kang kaibigan. ilag sa mga tao. hindi ko alam na dahil sa pagkacurious ko sa'yo eh mahuhulog pala ako HAHAHA
sa tuwing iniinis kita, gandang ganda ako sa expression mo. ang cute mo kasi. alam mo ba yung palabas na moana?kilala mo si te fiti? yun ka. maganda ka kapag hindi galit, pero mas maganda ka kapag galit o naiinis ka. at alam ko rin na may kulang lang sa'yo.
alam mo ba sa tuwing naaasar kita, nakukumpleto ang araw ko. korni man pero totoo 'yon.
hindi ko namalayan na nahulog na ako. hindi mabilisang hulog. dahan dahan. hindi minadali. hindi namalayan. ganun ang pagkahulog ko sayo.
kaya nga palagi akong sumasabay sayo pauwi, eh. kasi bukod sa gusto kitang makasama ng matagal, gusto ko ring makasigurado na safe kang makakauwi sa inyo. kumbaga naging daan ko 'yon para maihatid ka ^^ pero dahil nga manhid ka, hindi mo alam HAHA.
naalala mo nung nakalimutan kong magsabi na nakauwi na ako? yun ay dahil tampo ako sayo. hindi mo sinabi na balak mo palang hindi sumali sa prom dahil namamahalan ka sa gagastusin.
napagtanto ko na kung talagang gusto kitang makasama sa araw na yon, kailangan kong gumawa ng paraan. kaya inaya kita sa bagong bukas na store, sinabi ko sayo na mga mura ang damit doon pero ang totoo, kinuntsaba ko na ang mga sales lady doon. dinabi ko na sabihin sayo na super sale sila para bumili ka. natatawa nga ako kasi ang pinili mo ay yung pinakang mura pero sa totoo lang, yun ang pinakang mahal. alam ko kasi na ganun ka mamili HAHAHA
akala ko magiging memorable sa ating dalawa ang araw ng prom pero nagkamali ako. sobrang excited ako sa araw na 'yon pero pasensya na, lilyana, kung sinira ko ang araw na para sa atin dapat.
nung umamin ka sakin, hindi ko alam kung anong gagawin ko. napagtanto ko na magulo ang buhay ko. alam kong napapansin mo na puro pasa ako lagi, yun ay dahil binubugbog ako ng tinuring kong ama. oo, tama ka. hindi ko totoong ama 'yon kaya ganun na lang ang galit sakin kasi hindi niya ako anak.
bunga ako ng pagtataksil ni mama sa kaniya. ang dugong nananalaytay sa akin ay nanggaling sa kabit ni mama. bunga ako ng pagkakamali. kaya sa tuwing binubugbog ako ni papa, walang magawa si mama. aalis 'yon. pupunta ng kwarto.
sa tuwing pupunta ako sa inyo, tumatakas lang ako o sa tuwing ginagabi ako, lagi akong bugbog. hindi ako nauntog sa damitan ko. hindi ako nalaglag sa hagdan. lahat ng pasa ko, bunga ng bugbog sakin.
iniisip ko nga bakit ako? bakit ako ang nagdudusa sa pagkakamaling nagawa ni mama? sana nga pinalaglag na lang ako ih para hindi ako naghihirap ng ganito.
pero simula ng makilala kita, kahit lagi akong bugbog, ayos lang kasi alam ko kahit anong mangyari, nandiyan ka lang sa tabi ko. nag aalala sa akin. kayo ng pamilya mo. kaya nga sobrang nagpapasalamat ako kasi kahit papaano binigyan ako ng Diyos ng dahilan para magpatuloy.
nagpapasalamat ako sa Kaniya kasi ibinigay ka niya sakin. dahil sa'yo, hindi naging mahirap sakin ang lahat.
sinabi ko sayong hindi kita gusto pero gustong gusto kita. ang duwag ko. hindi ko kayang panindigan ang nararamdaman ko para sayo lalo na't ganito ako. kaya lumayo ako sa'yo. ayokong madamay ka sa gulo ng pamilya ko o sa gulo ko kaya sinabi ko ang bagay na 'yon. sobra akong nasaktan nung nakita kong umiiyak ka.
kaya eto ako, nandito sa bahay. sinusulat 'to dahil napagtanto ko na hindi ko pala kaya. hindi ko kayang mawala ka sakin. ikaw lang naman kailangan ko ih. sa tuwing kasama kita, nakakalimutan ko ang mga sakit na dinadala ko.
kaya pupuntahan kita sa inyo ngayon, lilyana. at sa pagkakataong ito, sasabihin ko sayo ang totoong nararamdaman ko. na gusto kita. na mahal kita.
habang buhay kitang hihintayin, lilyana.
