messenger
zion mendez
today, 8:45 a.m
zion
magandang umaga, lilyana :)
lilyana
magandang umaga rin
zion
anong ginagawa mo ngayon?
lilyana
wala pa
mamaya pa
maglalaba ako
zion
oo nga pala
ikaw nga pala naglalaba kapag walang pasok
andiyan si tita?
lilyana
maagap umalis
zion
saan nagpunta?
lilyana
naglalako ng isda si mama
naglaot kasi sila manong, pinapatinda nila kay mama
sabi ni mama pandagdag din daw yung ibabayad kaya pumayag siya
zion
ganun ba
punta ako diyan?
lilyana
bakit?
zion
tulungan kita
lilyana
di ka naglalaba 'no
zion
hindi nga, pero matutulungan naman kita sa ibang bagay
lilyana
saan?
zion
ako mag aalaga sa mga kapatid mo habang naglalaba ka
lilyana
wag na, zion
nakakahiya kung aabalahin pa kita para lang doon.
zion
hindi ah
wag ka mahiya
tsaka kailan ka ba naging abala sakin, lilyana? hehe
lilyana
nakakahiya kasi, zion
zion
wag ka nga mahiya, ako lang naman 'to :) tsaka gusto ko rin makabonding mga kapatid mo
lilyana
pwede naman sa ibang araw
sabado ngayon, nagpapahinga ka dapat
zion
pahinga na rin naman 'yon
lilyana
alin?
zion
wala HAHAHA
maligo lang ako tapos chat ako sa'yo kapag malapit na ako
lilyana
kulit mo
ingat ka, zion.
