forty seven.

34 1 0
                                        

messenger

mama
today, 9:45 p.m.

mama
Magkasintahan na ba kayo ni zion, anak?

lilyana
HA
hindi ma ah

mama
Hindi?

lilyana
oo, ma
hindi

mama
Ay bakit niyakap ka?

lilyana
yakap kaibigan lang 'yon ma
hindi naman ako gusto nu'n

mama
Ikaw? Gusto mo ba?

lilyana
hindi ah
masaya lang ako kapag kasama ko siya pero hindi ko siya gusto isa pa palagi lang akong nag aalala dun, palaging hinahanap ng puso ko, alam ko nga rin ang tunog ng yapak niya pero hindi ko siya gusto. nararamdaman ko lang 'yun kasi kaibigan ko siya

mama
Ah ganun ba, anak?
Di mo nga siya gusto

lilyana
sabi ko naman sa'yo ma eh hindi nga

mama
Oo hindi nga
Mahal mo lang?

lilyana
oo
ha? anong oo?
hindi ma ah
kaibigan lang 'yon
kasalanan mo 'to ma
nalilito tuloy ako sa'yo

mama
At naging kasalanan ko pa nga 😂
Ikaw talagang bata ka oh

Isipin mong mabuti kung ano nga ba talaga ang nararamdaman mo para kay zion, anak
Wala namang problema sakin kung magiging kayo. Basta't huwag mong kalimutan ang pag aaral mo

lilyana
mama naman
hindi ko nga gusto 'yun
at hindi rin ako gusto nun
tapos!

mama
Pag isipan mong mabuti

Oh eto baka makatulong sa pag iisip mo 😉

Oh eto baka makatulong sa pag iisip mo 😉

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

lilyana
mama bakit may picture ka nan!!!

mama
Ah pinicturan kayo ng kapatid mo 😂

waiting until foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon