lilyana.
Ang bilis ng araw. Ilang buwan na lang matatapos na ang klase. Magbabakasyon na.
Oras, araw, at panahon lang ang mabilis lumipas, pero yung sakit, andito pa rin. Nakaukit pa rin.
Hinawi ko ang mga tuyong dahon na nakapatong sa kaniya. Binunot ko ang mga damong tumutubo. Nang masiguro kong malinis na, inilibas ko na ang mga dala ko.
Flowers, cake, adobo at pansit. Mga paborito niya. Si mama ang nagluto ng pansit, ako naman sa adobo. Sinubukan ko ngang magbake pero ayaw sakin, ih. Palpak. Kaya bumili na lang ako. Alam ko naman na maaappreciate niya pa rin.
Kumuha ako ng paper plate at isa isa akong kumuha sa mga pagkain na dala ko. Pagkatapos ay inilapag ko sa may tabi niya.
"Happy birthday, Zion." Masayang bati ko sa kaniya. "Malapit ng matapos ang klase. Naalala ko na gusto mong mag architecture, pero dahil nga hindi mo na magagawa, ako na ang gagawa para sa'yo." Masigla kong sabi. "Tutal gusto rin naman ni mama na mag architecture ako. Alam kong iisipin mo na gusto ko ang tourism, oo gusto ko rin naman pero kasi... yung gusto mo muna... Gusto ko rin naman iyon kaya walang problema." Paliwanag ko sa kaniya.
Palagi kasing sinasabi sakin ni zion na ang sundin ko raw ay kung anong gusto ko. Kung saan ako mas mag eenjoy. Kung saan ako mas sisipagin. Kasi naniniwala siya na kapag yung gusto ko ang sinunod ko, hindi ako tatamarin. Sisipagin akong gawin ang bagay na 'yon. Pagsisikapan ko.
Pero katulad nga ng sinabi ko, hindi niya kailangang mag alala. Gusto ko rin naman.
"Naalala mo ba yung sinabi mong wish sakin? Sabi mo sa birthday mo, gusto mong magpicnic tayo. Tayong dalawa lang kasi gusto mo 'kong masolo." Sabi ko habang nakangiti.
"Inaasahan ko naman na mangyayari 'yon kasi gagawa ako ng paraan para matupad ang wish mo. Malakas ka sakin, ih." Ramdam kong nasa gilid na ng mata ko ang luha ko. "Hindi ko lang... inaasahan.. na sa ganitong paraan pala... mangyayari." Tuluyan ng tumulo ang mga ito. Nanginginig ako sa sakit. "Ang sakit sakit pa rin, zion. Mag iisang taon na pero andito pa rin ako. Hindi pa rin nakakausad sa nangyari."
"Nung nasa cafeteria ako, may nagsabi ng boss. Kahit alam kong hindi ikaw, lumingon pa rin ako. Nagbabakasakali na ikaw 'yon. Na.. nananaginip lang ako sa nangyari." Pero hindi ikaw 'yon. At totoong wala kana.
Siguro nga na lahat ng bagay ay magpapaalala sakin sa'yo. Na minsang may nagtawag sakin ng ganun. Na minsang may nagmahal sakin, at minsan din akong nagmahal.
Na may zion na dumating sa buhay ko, at hindi mawawala sakin habang buhay dahil... hinding hindi siya mawawala sa puso ko.
"Hinding hindi ka mawawala sa puso ko, zion." Sabi ko habang hawak hawak ang bracelet na ibinigay niya sakin.
Kung hanggang saan lang abutin ang buhay ko, sana alam mo na ganun din kita katagal hinihintay. At alam ko rin na kahit natapos na ang buhay mo, alam kong naghihintay ka pa rin.
Hanggang sa muli, zion. Mahal kita.
