messenger
mama
today, 6:45 a.m.
mama
Hindi ka ba talaga sasali sa prom, anak?
lilyana
hindi, ma
mama
Sigurado kana ba?
Sayang naman kasi
Baka di na maulit 'yon
lilyana
oo ma sigurado na ako
magastos kasi
mag aambagan tapos magbabayad pa ako ng damit na susuotin
sayang din
hindi ko naman kailangan ng mga ganoon
mama
Experience rin kasi iyon nak
Tapos partner pa kayo ni zion
lilyana
may iba naman silang ipapartner kay zion
mama
Nasabi mo na ba kay zion?
lilyana
hindi pa
mama
Kaya pala nagpapractice ka pa rin
lilyana
humahanap pa ako ng tyempo
mama
Anak bawat araw ay tyempo na
Huwag mo ng patagalin pa
lilyana
palagi kasi siyang nakangiti ma ayoko namang sirain 'yon
mama
Baka magtampo sayo si zion niyan
lilyana
hindi 'yon ma
maiintindihan naman ako nun
mama
Kahit na anak
Pumunta kana kasi
lilyana
ayoko ma
mama
Haynako
