messenger
lilyana josue
today, 1:45 a.m.zion
naalala ko noon, hirap na hirap akong kausapin ka. iimik ka lang kasi kapag may tinatanong ako tapos kapag nasagot mo na, pinaparamdam mo talaga na ayaw mo na 'kong kausapin HAHA parang gusto mo na ngang makipagpalit ng upuan sa iba sa inis mo sakinnung palagi na tayong nagkakasama gawa ni ma'am azra, napapansin ko na kahit kinakausap mo 'ko, ilag ka pa rin pero at least diba, hindi ka na naiinis HAHAHA
hindi ko alam kung kailan nagsimula na palagi na tayong sabay tuwing uwian, basta nakita ko na lang sarili ko na kasabay ka pauwi, pero nung mga time na 'yon, ramdam ko pa rin talaga na kahit payag kana na sabay tayo, ramdam kong may harang parin sating dalawa at ayos lang 'yon :)
ayaw na ayaw mo nun na hinahatid kita sa inyo pero tignan mo naman ngayon, hindi na lang basta paghatid sa'yo, hinahayaan mo na akong makapasok paunti unti sa buhay mo
proud ako sa'yo, boss :)