thirty nine.

36 1 0
                                        

messenger

mama
today, 1:45 a.m.

lilyana
ma

mama
May problema ba anak?

lilyana
naisip ko lang
bata pa lang ako, binubugbog kana ni papa. hindi mo lang alam pero nakikita ko kayo sa tuwing nag aaway kayo.

nung nalaman mo na alam ko, ang sabi mo hindi mo kayang ipakulong si papa, na iniisip mo kami, na ayaw mong lumaki kami na walang ama, na sabi mo kailangan din natin siya

pero bakit ipinakulong mo pa rin?

mama
Dahil sinaktan ka niya. Sapat na rason na yon para ipakulong ko siya

lilyana
pero nung ikaw ang sinasaktan, hindi mo pinakulong?

mama
Kaya kong tiisin ang lahat para sa inyo, anak at alam ko rin na hindi ko kakayanin kung ako lang ang magtataguyod sa inyo, hindi ko alam kung mabibigyan ko kayo ng maayos na kinabukasan

pero nung pinagbuhatan ka ng kamay ni papa mo dahil inaawat mo siya, dun ko naisipang kumilos. Dahil alam ko na mauulit at mauulit lang ang mangyayari

Ayokong masaktan at madamay ka. Bata ka pa. Hindi mo dapat dinanas ang ganun. Hindi niyo dapat nararanasan ang ganung pamilya

lilyana
limang taon ng nakakulong si papa ma, pero kaya, kinaya at kinakaya mong itaguyod ang pamilya natin. nasa maayos na lagay kami simula nung nawala si papa sa buhay natin. naging masaya ang pamilya natin

hindi natin kailangan si papa. hindi mo kailangang magsisi sa ginawa mo. hindi mo kailangang pakinggan mga sinasabi ng magulang ni papa. hindi mo kasalanan. kasalanan nila 'yun dahil hindi nila pinalaki ng maayos si papa

mama
Hindi ako nagsisisi na ipinakulong ko si papa mo, lilyana. Nagsisisi ako kung bakit ganung klaseng lalaki ang naging ama ninyo. Nagsisisi ako na hindi ko maibigay sainyo ang buong pamilya

lilyana
walang dapat pagsisihan dahil nasa maayos na lagay kami, hindi nababalot ng takot dahil wala ng uuwing lasing sa bahay

aanhin pa namin ang buong pamilya kung palagi naman kaming takot

mama
Pero ang laki ng naging epekto nun sayo, anak. Alam ko rin kahit hindi mo sabihin. Anak kita

lilyana
ang mahalaga wala na tayo sa ganung sitwasyon, ma. ang mahalaga malaya na tayo

pero, ma, bakit ba umaabot sa puntong nagkakasakitan? bakit pati anak nadadamay?

mama
Dahil kaya nila, anak.

waiting until foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon