messenger
mama
today, 6:45 a.m.
mama
Tama lang anak yung ginawa mo. Tama lang na ipinamukha mo sa kanila kung gaano sila kawalang kwenta kasi anak alam ko na kung bakit nawala sa atin si zion.
Nung gabing prom niyo, nung umalis ka, umuwi sa kanila si zion. Hindi ko alam kung bakit umuwi. Dumiretso raw sa kwarto niya. Akala nung mama ni zion eh hindi na lalabas pero lumabas siya. May dala dalang bulaklak.
Hindi siya nakaalis kaagad dahil dumating yung papa niya. Nagpumilit siyang umalis pero binugbog siya. Alam kong pansin mo rin anak na madami siyang pasa.
Tumakas si zion, anak. Tumakas siya para puntahan ka. Yung bulaklak na dala niya? Para sayo yun. Nakakalungkot lang dahil hindi niya naibigay sayo.
Dahil nung tumakas siya, nahuli siya ng papa niya. Sa pagmamadali niyang makatakas, hindi niya nakita na may paparating pala na sasakyan. Hindi rin siya nakita nung nagdadrive dahil madilim. Nagkataon pa na pundi ang mga ilaw. Nabundol siya.
Sabi nila bago raw mawalan ng hininga si zion, lilyana raw ang sinasabi.
May sulat na ginawa si zion. Kasama nung bulaklak. Pinatong ko sa lamesa mo. Basahin mo kapag nakauwi kana.
Kung nasan ka man, mag ingat ka. Ayoking mawalan pa ng isang anak.
