messenger
mama
today, 3:55 a.m.
lilyana
anong
paanong wala ma?
umalis ba siya?
pumuntang ibang bansa?
mama
Hindi anak
Wala na si zion
lilyana
ma alam kong galit ka kay zion dahil umuwi akong umiiyak pero ma parang sobra naman ata yang galit mo na umaabot pa sa ganyang biro
mama
Anak hindi ganun kalaki ang galit ko kay zion para magbiro ng ganyan alam mo yan
lilyana
ma tama na please
ayaw ko ng ganyan
alam kong nasa kanila lang si zion
nagpapahinga
mama
Anak please
Alam kong mahirap paniwalaan pero totoong wala na siya
lilyana
ma parang awa mo na rin ayoko ng ganyan alam kong buhay pa si zion ma please ayaw ko tigil na please
mama
Magbihis ka
Pupuntahan natin si zion
lilyana
diba alam kong nagbibiro ka lang ma
gusto mo lang akong palabasin dapat sinabi mo agad hindi yung nag imbento ka pa ng ganyan
pag dating natin sa kanila, ikkwento ko sa kaniya kung paano mo sinabi sakin na wala na siya tatawanan ka lang nun ma sasabihin kung ano bang nakain mo
mama
Basta't magbihis ka
lilyana
sige ma haha
