forty eight.

33 1 0
                                        

twitter

🔐 @lilyanadump
naalala ko, yung picture na 'yon, yun yung tinutulungan niya akong maghalo nung ulam na niluluto ko. ang sabi ko ako na pero dahil nga makulit siya, ayun, nanalo siya

🔐 @lilyanadump
yung jacket na suot namin, si mama ang nagbigay nun. pinagpalit kaming dalawa. sabi niya nakita niya lang daw 'yon sa ukay binili niya daw kasi mura tapos kaya niya rin daw nibili ay dahil naisip niya daw kaming dalawa ni zion. bagay daw samin.
| replied to @lilyanadump: hindi namin alam na couple jacket pala 'yon. lawak ng ngiti ni zion nung napagtanto niya. pinagtripan pa kami ng mga kapatid ko. hindi ko alam na napicturan pala kami kainis
| replied to @lilyanadump: pero hindi talaga ako naiinis. masaya ako kasi may picture na kami ni zion. magsisilbing memories kumbaga :)

🔐 @lilyanadump
sinabi pa sakin ni mama nung kaming dalawa na lang nasa kusina, sabi niya na masaya raw siya sakin dahil nakilala ko si zion. nakikita niya daw na unti unti na akong nagbabago. na bumabalik na sa dating lilyana. wala ng harang na namamagitan.

🔐 @lilyanadump
hindi alam ni mama na mas masaya ako kasi nakilala ko si zion. siya ang nagbago ng buhay ko sandali ibig bang sabihin nito gusto ko siya?

waiting until foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon