seventy three.

11 2 0
                                    

twitter

🔐 @lilyanadump
totoo pala yung sinasabi nila 'no? na kapag may taong mahalagang nawala sa'yo, at gusto mong makita pero hindi na pwede, ang tanging magagawa mo na lang ay balikan kung saan nagsimula ang lahat. kung saan mo siya nakilala. dahil nandito ako, kung saan kami unang nagkakilala. sa kubol.

🔐 @lilyanadump
naalala ko, nagbabasa ako nun. ayokong nagbabasa ng may naririnig na ingay kaya sa pinakang dulong kubol ang pinili ko. bukod sa tahimik, mahangin pa dahil puro puno ng mangga. maaliwalas.

🔐 @lilyanadump
natigil lang pagbabasa ko nun ng may narinig akong kalabog na para bang may nalaglag kaya tinignan ko. pagtingin ko, may nalaglag nga. isang lalaki.
| replied to @lilyanadump: nung mga oras na 'yon, hindi ko siya kilala. bukod sa ayaw ko siyang kilalanin, wala rin akong pake kaya tumalikod ako. umakto na walang nakita. bumalik sa kubol para magbasa ulit. at doon ako nagsimulang kulitin ng isang zion.

🔐 @lilyanadump
matagal ko ng alam na binubugbog si zion ng papa niya. nalaman ko nung kukuhain ko sana yung attendance sheet sa kaniya.
| replied to @lilyanadump: dahil nga bubog lang ang nagsisilbing harang nila sa salas, bumungad sakin ang sampal sa kaniya ng papa niya. pagkatapos sampalin, sinuntok. pagkatapos suntukin, hinampas ng sinturan na may bakal.
| replied to @lilyanadump: gustong gusto ko ng pumasok nun pero pinigilan ko ang sarili ko. iniisip ko si zion. wala siyang nababanggit sakin tungkol dito. ayoko siyang pangunahan. masakit kaya pikit mata akong tumalikod at naglakad palayo. kaya siguro may part sakin na sinisisi ang sarili ko. may kasalanan din ako.

🔐 @lilyanadump
umaasa ako na sasabihin sakin ni zion ang nangyayari sa kaniya sa kada tanong ko pero palagi akong bigo. iniisip ko na baka nga hindi niya pa ako pinagkakatiwalaan.

🔐 @lilyanadump
kaya sa tuwing nakikita ko na may pasa siya, kukuha ako ng yelo para ilagay sa pasa niya. minsan umaakto na lang ako hindi ko nakikita dahil sawa na akong marinig ang mga palusot niya.

🔐 @lilyanadump
hindi ko inaasahan na aabot sa ganito. ni hindi man lang sumagi sa isip ko na pwede pa lang mangyari ang nangyari ngayon. para akong nananaginip.

🔐 @lilyanadump
sana pala hindi na lang ako umalis ng prom. sana pala nanatili na lang ako sa tabi niya. ayos lang na makita niya na umiiyak ako, na sisihin ang sarili niya. hindi yung ganito. yung hindi ko na siya makikita habang buhay.

🔐 @lilyanadump
yakapin mo naman ako, zion. ang hirap at ang sakit kasi. parang wala ng mapaglagyan ang sarili ko sa sobrang sakit.

waiting until foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon