sixty three.

35 2 0
                                        

twitter

🔐 @lilyanadump
gusto kong sabihin kay mama na oo ma ayos lang kami masyado lang busy si zion dahil miski sarili ko, ayokong aminin na may nagbago samin. pakiramdam ko kapag sinabi ko kay mama ang totoo, 'yon na yun. totoo na. wala ng bawian.

🔐 @lilyanadump
nung umamin ako, akala ko ayos pa rin kami. wala man ako nakuhang sagot mula sa kaniya pero alam kong kaibigan lang turing niya sakin. walang nagbago. walang magbabago. kaibigan lang talaga.

🔐 @lilyanadump
masakit sakin pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin dahil hindi naman niya kasalanan kung bakit ko siya nagustuhan. sadyang mahina lang puso ko pagdating sa kaniya.

🔐 @lilyanadump
palagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na kahit ganun, magkaibigan pa rin kami.

🔐 @lilyanadump
pero nung nagtagal tagal, nagulat na lang ako na malayo na siya. nagulat ako dahil hindi ko namalayan. hindi niya ako binigla. inunti unti niya. hindi ko naramdaman na lumalayo na pala siya sakin. namalayan ko na lang nung malayo na siya.

🔐 @lilyanadump
palagi ko siyang tinatanong kung ayos lang ba siya, kung ayos lang ba kami. palagi niyang sagot, oo ayos lang pero ramdam kong hindi na. sira na. tapos na. hindi na kami katulad ng dati. hindi na maibabalik.

🔐 @lilyanadump
hindi bale ng may nagbago. hindi bale ng lumayo siya. ang mahalaga nakakausap at nakakasama ko pa rin siya. kuntento na ako doon. hindi na ako maghahangad pa. wag lang siyang mawala ng tuluyan sa buhay ko.

🔐 @lilyanadump
pero bakit parang ang hirap?

waiting until foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon