Kahit nasa iisang bahay kami hindi kami nag uusap at iniiwasan ko narin siya.
minsan ay hindi ko siya ay hindi namin naabotan ang isat isa.
Galing ako sa office ni Prof Briones dahil pinatawag niya ako dahil binigay niya sakin ang test paper para sa quiz while naglalakad ako pabalik sa room ay hinarangan ako ng isang lalaki sa pagkakaalam ko siya yong football player na sikat din sa campus. na si nash lopez, pero lahat ng mga tao ay alam na napaka womanizer ng lalaking ito.
"Hi Scarlet" nahihiyang bati niya at tumango lang ako at lalagpasan sana siya pero hinarangan niya ako ulit. "Can you be my date bukas sa prom tomorrow?" My lips parted at what he said. What kind of nonsense has gotten into this man's head?
"Sorry, sa iba nalang" I said with a forced smile.
"But it's you that I want to date," he said with a grin, still holding out the bouquet. I raised an eyebrow as I looked him over. He was wearing a football jersey, and you could tell he was a womanizer, especially with his demeanor and that middle part flow in his hair. "aayaw kapa ba sakin?" mayabang niyang saad ,he was handsome, especially with those beautiful brown eyes of his, and he had managed to attract many women. But for me, there wasn't even a one percent attraction.
"You know, I've had a crush on you for a long time, especially whenever you pass by the ground where we practice. I keep telling myself that you're the one for me. You're so beautiful, and I keep telling myself that you're the last woman I'll ever love." I felt like laughing at what he said. It was so cringe and corny. Are those the lines he uses to win over the women he wants?
"Pasensya na ulit pero sa iba ka na lang at sa iba mo na rin gamitin ang linyahang 'yan," sabi ko at tinalikuran na siya. Sakto naman, pagtalikod ko ay nahagip ng mata ko si Caden na may kausap na babae. Ang harot ng babae, kitang-kita ang cleavage niya dahil sa dalawang butones na nakatanggal. Nag-e-enjoy ba siya sa view niya?
Hindi naman ako nagalit, pero hindi niya man lang pagsabihan ang babae. Mukhang gusto rin niya ang nakita niya. Tumatawa rin ang babae at sabay hampas ng mahina sa kanya, animoy nakakati. Isa pa, sumusubo din ito ng lollipop sa bibig niya.
WTF?
Humugot na lang ako ng hininga at tuluyan na sanang maglakad kaso may humawak sa braso ko. Sino pa nga ba kundi itong football player na womanizer.
"Hey, please be my prom date," malungkot niyang sabi na akala mo madadala ako.
Magsasalita na sana ako kaso nahagip ng mata ko si Caden na nakatingin sa amin. Ang titig niya ay walang gana, animoy walang paki at walang emosyon. Agad din niyang binalik ang tingin sa babae.
Ano ba naman yan, nag-expect pa ako. Oo nga diba wala siyang paki sa akin. Ano ba, Scarlet, umaasa ka pa rin ba? Pinamukha na sa'yo, diba? Sinabi na sa'yo na ayaw niya sa'yo at wala kang parte sa buhay niya dahil wala ka lang sa kanya. Bakit ka pa umaasa?
"Scarlet, I'll be a good-"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at kinuha ko na sa kanya ang bulaklak na kanina pa niya inilahad sa akin.
"Okay, tanggapin ko ang alok mo," sabi ko, at lumiwanag ang mukha niya at sumilay ang malaking ngiti sa labi.
"T-talaga?" hindi makapaniwalang saad niya.
"Oo nga diba," inis na sabi ko at napa-irap.
"Okay, saan ba ang location ng bahay niyo para sunduin kita?"
"Huwag na, sa hotel na lang tayo magkita kung saan gaganapin ang prom," walang gana kong sabi.
"Sige, sige, pero pwede ko ba makuha ang number mo para ma-text kita at malaman ko kung saan ka na para sabayan kita pumasok sa loob? Dahil bilang ka-date mo, dapat alagaan kita," mayabang na sabi niya.
