Warning R-18 🔞
Maganda ang naging usapan namin ni Caden noong isang araw, at madalas din siyang pumupunta dito sa ospital. Naiinis na ako kasi ang kulit niya, at ako yung kinakabahan sa ginagawa niya. Buti na lang palagi siyang naka-face mask at hoodie para hindi siya makilala ng mga tao.
"Doc, bukas na ang birthday ko, dapat hindi ka mawala sa birthday ko," sabi ni Doc Nethan. Kanina pa siya nandito sa opisina ko, ewan ko ba kung bakit hindi pa siya umaalis.
"Kahapon mo pa sinabi sa'kin 'yan, pupunta naman ako sa birthday mo," sabi ko habang nakatuon sa mga papeles, dahil tinitingnan ko ang mga records ng mga pasyente ko.
"Ni-remind ko lang, baka kasi nakalimutan mo."
"Nakalimutan? Hindi ah," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Napabuntong-hininga si Doc Nethan at tumayo mula sa upuan. "Sige, aalis na ako. Ayaw ko naman magmukhang nangungulit," pabirong sabi niya pero may halong asar sa boses.
Napangiti ako "Maaga ka umalis bukas ha, baka ikaw pa ang malate sa sarili mong birthday."
"Wow, ganun?" Tumawa siya. "Ako malelate sa sarili kong party? Never!" Nilingon niya ako sandali bago tuluyang lumabas ng opisina. "See you tomorrow, Doc."
Natatawang napailing na lang ako. Ito kasi si Nethan, napaka-kulit. Parang kapatid na lang talaga ang turing ko sa kanya.
Nagpatuloy ako sa trabaho, pero naisip ko na rin kung ano ang ireregalo ko bukas. "Maybe a simple gift will do, that should be enough." bulong ko sa sarili ko, sabay balik sa mga pasyente kong dapat pang i-review.
Pagkatapos ng trabaho ko, ini-stretch ko ang katawan ko habang naglalakad.
"Doc!" may tumawag sa akin, kaya tumingin ako, at nakita ko si Doc Garcia, mabilis na naglalakad papunta sa akin.
"Pauwi ka na?" tanong niya, at tumango ako.
"Ahh oo, pauwi na. Ikaw din?"
"pa uwi narin" sagot niya at sabay kami naglakad. patungo sa elevator.
"nga pala kamusta yong pasyente mong bata?" tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin.
"Ayos naman siya mukhang nagiging okay narin yong kalagayan" sabi ko ang tinutukoy kasi niya yong isang pasyente ko na malala ang sakit.
"That's good to hear," sagot niya habang tumingin sa akin. "Sana tuluyan na siyang gumaling."
"Oo nga eh, sana nga," sagot ko, iniisip ang kondisyon ng bata at kung gaano siya lumaban. "Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko." Dagdag kopa nang matapat kami sa elevator.
"I know. You really are a good doctor." sabi niya nang may ngiti. Sinuklian ko naman siya ng tipid na ngiti.
"thank you doctor garcia, but lahat tayo Mabubuting doctor " sabi ko, at sakto namang bumukas ang elevator at nagtama ang mga mata namin ni Caden.
He was wearing a plain black t-shirt tucked into his black pants.
umiwas agad ako ng tingin dahil napakadilim ng titig niya sa amin ni doctor garcia pumasok na agad kami sa elevator.
