Dalawang linggo nang lumipas mula nang umalis kami sa Club Laiya. Simula ng usapan namin, hindi ko na siya nakita, at sa pag-alis din, mas nauna siya. Kaya ang huling kita ko sa kanya ay nung nasa tabing-dagat kami.
Bukas Disyembre na. Napakabilis talaga ng araw ngayon.
"Scarlet, okay ka lang?" tanong ni Lorein nang umupo sa tabi ko.
"Anong tingin mo?" sagot ko nang pilosopo, sabay inom ng wine.
"Parang ilang araw ka nang tulala. Miss mo ba si Logan?" Napairap ako sa kanya nang sabihin niya iyon.
"Shut up, Lorien" sabi ko sabay inom ng wine.
"Don't worry, makikita mo naman iyon"Nang-aasar siya, at tiningnan ko siya ng inis habang umiinom mula sa baso ng wine ko, pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Hey, hey, Lorraine, andito na kami" napatingin ako sa kakarating lang na sina Bellona at Gelo. Napansin kong parehong may suot na t-shirt na may mukha ni Caden. Nakatutok lang ang tingin ko sa kanila hanggang sa maupo sila sa tabi namin sa mesa.
"Hello po, Ate Scarlet," ngumiti lang ako sa kanila.
"Akala namin nakapag-ready ka na, mukhang kagising mo lang yata, girl," sabi ni Gelo.
"Excited naman kayo, alas-1 pa naman magsisimula ang concert," sagot ni Lorraine.
"Pero, sis, maraming tao na ang nakapila. Kailangan nasa mas malapit tayo, alam mo naman, maraming fans sa kabilang side," sabi naman ni Bellona. "Excited na talaga akong makita si Caden," dagdag pa nito na kinikilig.
Tumingin ako kay Lorraine nang mapatingin siya sa akin. Inis na tinignan ko siya at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
May concert pala siya ngayon.
Marami na talagang taong humahanga sa kanya. Hindi ko akalain na lahat ng tao ay maririnig ang boses niya na dati ay tanging ako lang.
Ako lang ang naniniwala na kaya niyang umabot sa mas mataas na antas, na kaya niyang humarap sa mas maraming tao at ipakita ang kanyang talento sa pagkanta.
Nakaligo na ako at nagbihis nang makatanggap ako ng tawag mula kay Niela.
"Scarlet, busy ka ba?" tanong ni Niela sa kabilang linya.
"Hindi naman," sagot ko habang nauupo sa kama ko. Nag-day off ako ngayon dahil pagod ako, at bukas ay magtatrabaho na naman ako.
"Sama ka sa amin," sabi niya.
"Saan naman?" tanong ko, sabay tingin sa orasan.
"Basta sumama ka na lang, susunduin ka namin sa bahay mo ngayon, kaya mag-ready ka na agad," sabi niya sabay baba ng tawag. Wala akong magawa; baka gusto lang niya mag-aya ng inuman o kumain sa labas.
Nagsuot ako ng long sleeve na may v-neck knitted sweater at white shorts na may belt. Lumabas ako habang dala ang black Chanel bag ko. Dahil naghihintay na sila sa labas, umalis na rin ako. Si Lorraine kasama ang dalawang kaibigan niya ay umalis na kanina.
Pinagbuksan agad ako ng guard ng gate, at paglabas ko, nakita ko si Harley na nasa loob ng McLaren, ang pinto nito ay nakabukas na parang pakpak.
"Let's go, darling," sabi niya, kaya pumasok agad ako sa tabi niya at dahan-dahan niyang isinara ang pinto.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nasa biyahe.
"Sa moon," sagot ni Harley nang pabiro.
"Hampasin kita diyan."
"Slap me, baby," sagot niya nang malandi.
"Oh my, panalo si Vince," sabi ni Niela habang ipinapakita ang kanyang phone.
