Epilogue

480 3 0
                                        

After I got off work at the hospital, I went straight to Harley's house and picked up my child from her. Harley and Niela had been borrowing my child since they don’t have any kid of their own.

"Hi, sweetie, kamusta ka sa kamay ng ninang Harley mo?" tanong ko sa anak ko nang yumakap siya sa akin.

"Uy, grabe ka! Nakailang beses ko na siyang hiniram, akala mo naman masama akong ninang," sabi niya, na kunwaring nasasaktan.

Natawa ako sa sinabi ni Harley at marahang umiling. "Alam ko namang maaasahan kita. Kaya nga palagi kong pinapahiram sa'yo," sagot ko habang inaayos ang buhok ng anak ko.

"Syempre naman! Ako pa ba?" biro ni Harley, sabay kindat. "Pero seryoso, he’s such a joy to have around. Parang hindi ko na nga gustong ibalik minsan."

"Alam kong love na love mo siya, pero huwag kang mag-alala, palagi mo naman siyang pwedeng hiramin," sabi ko, habang tinitingnan ang anak kong masayang naglalaro sa tabi.

"Sige, pero next time, overnight na ha?" pahabol ni Harley, sabay tawa.

"Pag-iisipan ko" sagot ko "Ako sayo mag asawa kana" natatawang sabi ko sabay kindat din, bago tuluyang magpaalam at umalis.

Nakita ko pang inirapan niya ako nang sabihin ko 'yon.

Habang nagmamaneho ako, excited na nagkwento ang anak ko.

"Mommy, nakita ko si ninang! Kasama niya 'yung guy!" sabi niya, puno ng sigla.

"Really? Anong ginawa nila?" tanong ko, nakatingin sa daan habang nag-iisip.

"Um... they laugh! Ninang happy!" sagot niya, ang mga mata niya nagniningning.

"Did you like the guy?" tanong ko, habang nasa daan ang mga mata.

"Uh-huh! He nice!" sabi niya, tumango nang mabilis.

"Okay, that’s good," sabi ko, pero sa isip ko, baka boyfriend na iyon ni Harley. Napangisi ako sa posibilidad na nagkabalikan sila ng ex niya.

Nang makarating kami sa bahay, agad na binuksan ng guard ang gate. Pagkapasok namin, bumaba kami sa sasakyan at agad na tumakbo papunta sa loob ng sala ang anak kong makulit.

"Scaden, don't run!" saway ko sa kanya, pero hindi siya tumigil. Napailing na lang ako, ang kulit talaga ng batang ito, parang nahawa sa ugali ng mga ninang niya.

"Mommy, tita is here!" sigaw niya, sabay turo kay Lorein, na naka-buka ang dalawang kamay papunta kay Scaden.

"Hi, Scaden!" sabi ni Lorein, nakangiti habang niyayakap siya ng bata. "where's tita kiss?" nakasimangot pa na sabi nito sa bata na agad naman hinalikan sa pisngi.

"Napadalaw ka?" sabi ko nang makalapit sa kanila, na buhat-buhat na ni Lorein si Scaden.

"Syempre, namiss ko tong pamangkin kong pogi" sagot niya, sabay halik sa pisngi ni Scaden. "Did you miss tita, baby?"

"Yes, Scaden miss tita Lorein too," sagot ng anak ko.

"Tita has a surprise for you!" sabi nito, at agad na pumalakpak si Scaden.

"Surprise?!" tanong niya, ang boses niya puno ng excitement at pagkamangha.

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Si Lorein kasi, paminsan-minsan bumibisita dito at laging nakikipaglaro kay Scaden. Kaya naman itong si Scaden, paborito ang tita niya.

Tumulong ako magluto kay Manang habang si Lorein ay nagbabantay kay Scaden. Nang matapos magluto, hinanda ko na ang pagkain at nagsimula na kaming kumain.

"Nga pala, anong balak mo sa Pasko?" tanong ni Lorein habang kumakain.

Uminom muna ako ng tubig bago sinagot ang tanong niya.

Stone heart Where stories live. Discover now