Warning R-18 🔞
Kinabukasan, ngayon ay araw na ulit ako magtatrabaho pagkatapos ng tatlong araw na hindi nakapagtrabaho dahil sa kumakalat sa social media na naapektohan ang trabaho ko.
Even though I know that my fellow doctors are aware of what's spreading in the media right now, I don't care because I'm focused on my importance as a doctor to my patients.
Nasa kalagitnaan ako ng rounds nang biglang dumating si nurse ella, halatang kinakabahan, at mabilis akong tinawag.
"Doktora, kailangan ka po namin sa ER! May bagong pasyente na kakarating lang, at kritikal ang kondisyon-nasa 50-50 po."
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tumakbo ako papunta sa Emergency Room. Pagdating ko, nakita ko ang pasyente na halos wala nang malay, hirap huminga, at naka-stretcher. Mabilis akong nagtanong.
"Ano ang vital signs?"
"BP is 80/40, heart rate at 120 bpm, at pababa ang oxygen saturation, nasa 85% na lang po."
Habang sinasabi ito ni nurse ella, sinuri ko agad ang pasyente. Hindi ako puwedeng magtagal pa, kaya't nagbigay ako ng utos.
"Maghanda ng intubation kit, imonitor ang puso ng mabuti, at bigyan ng IV fluids para ma-stabilize ang blood pressure. Ihanda ang crash cart kung sakaling kailanganin." Habang inaasikaso ng team ang mga utos ko, sinilip ko ang mga diagnostic results na mabilis na lumabas. May posibilidad na may internal bleeding o kaya'y major cardiac event ang pasyente.
"I-contact ang cardiologist. Ihanda ang ICU para sa possible transfer pagkatapos nating ma-stabilize ang pasyente. Bantayan niyo nang mabuti ang vital signs, hindi tayo pwedeng magkamali dito." Nanatiling kalmado ako kahit mabilis ang sitwasyon. Kailangan kong tiyaking lahat ng ginagawa ng team ay ayon sa plano para mailigtas namin ang buhay ng pasyente. Time is critical, pero hindi ako nagpapadala sa pressure.
Habang patuloy kong sinusuri ang kondisyon ng pasyente, napansin kong tila hindi na kayang bumangon ng pasyente sa kabila ng aming mga pagsisikap. Ang cardiac event at posibleng internal bleeding ay nagpapataas ng panganib, kaya't kailangan na agad kumilos.
"Intubation is underway, Doctor. Oxygen saturation is now at 90%." saad ni nurse ella.
"Good. Start nitroglycerin and morphine for the cardiac issue. Let's get the echocardiogram ready. Prepare for possible transfer to the cath lab."Pinapanood ko ang bawat hakbang ng aking team, kahit na tila kalmado ako sa labas, hindi ko maikakaila ang pakiramdam ng pangungulila sa bawat segundo. Ang vital signs ng pasyente ay patuloy na bumababa, at ang presyon ng sitwasyon ay tila dumadami.
"We need to move the patient to the cath lab immediately for emergency angioplasty." biglaang sabi ng cardiologist na kakarating lang.
"Let's proceed. Ensure all critical medications and equipment are ready. Time is critical here."
Sa bawat paglipat ng pasyente, sinisiguro kong maayos ang lahat. Ang aking mga utos ay malinaw at tiyak, kahit na ang aking puso ay nagmamadali sa ilalim ng aking mahigpit na kontrol. Ang kalmado kong panlabas ay isang maskara sa aking pangkalahatang kaba, ngunit mahalaga na manatiling matatag para sa kapakanan ng pasyente.
Habang ang pasyente ay dinala sa cath lab, hindi ko maitatago ang tensyon na nararamdaman ko sa kabila ng aking kalmadong panlabas. Ang bawat minuto ay tila isang mahigpit na pagsubok sa aking pasensya at kakayahan. Palagi kong sinusuri ang oras at ang mga updates mula sa cath lab team, umaasang makakamtan ang positibong resulta.
"The patient is now in the cath lab. The procedure will begin shortly." sabi ni nurse ella.
"Excellent. Ensure that the team in the cath lab is fully briefed and that all necessary support is on standby." saad ko.
