Warning R-18 🔞
Sa O.R. namin siya dinala. dahil hindi naman gaanong malala ang nangyari sa kanya, pero may sugat siya sa noo at pati na rin sa tuhod.
Ako na ang nagprisinta na ako na ang mag-handle dito.
Ginagamot ko ang bawat sugat niya habang siya naman ay tulog pa. Hindi ko maitanggi na sobra akong nagulat nang makita siya kanina habang nakahiga sa stretcher—akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.
Matapos kong eh check siya ay akmang aalis naako nang maramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko ay gulat akong napatingin sakanya at dahan dahan naman siyang dumilat at diritso itong nakatingin sakin.
"Mabuti gising kana mr. faulkerson medyo madami ang natamong sugat sayo at nai-"
hindi ko natapos ang sinabi ko nang hilahin niya ako at kaya nahiga ako sa dibidb niya na halos ika kabig ng dibdib ko.
"alam kona narinig ko lahat ang pinag usapan niyo, ang gusto ko lang ay ang yakapin ka" sabi niya at pinilit ko naman kumawala sa yakap niya dahil baka may nurse na pumasok.
"Just one minute scarlet gusto ko lang mawala ang sakit sa sugat ko" saad niya pa habang nakayakap sakin.
"anong tingin mo sakin nakakapag pawala ng sakit sa sugat?" maldita na sabi ko.
"higit pa don" sabi pa niya pero niya pero hindi ko hinayaan yon dahil baka may makakita pa sa amin.
"Bukas pwede kana makauwi" sabi ko at inayos ang hawak kong papers.
"Napaka ganda naman ng doctor ko" inis na tinignan ko naman siya at inirapan.
"Caden nasa hospital tayo tratohin mo ako bilang doctor pasyente kita"
"bakit hindi ba pwedeng Sabihin yon sa doctor ko?" maang maangan niya pang sabi.
Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis na akong naglakad palayo, pilit na pinapakalma ang sarili. Ramdam ko ang init ng pisngi ko at ang mabilis na tibok ng puso ko. Ayokong magpadala sa emosyon, lalo na sa mga nararamdaman ko tuwing nandiyan siya.
Huminga ako nang malalim, pilit na ibinabalik ang focus ko sa trabaho. Hindi ko dapat hayaang guluhin ako ni Caden, kahit pa sa bawat paglapit niya ay tila may hatak siyang hindi ko kayang labanan.
Pumasok ako sa opisina at isinubsob ang sarili sa mga papeles. Kailangan kong kalmahin ang isip ko at ilayo ito sa mga nangyari kanina. Pero kahit anong gawin ko, ang mga salita niya, ang bawat haplos at halik, ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko, pinapahirapan akong mag-isip ng tama.
Natapos ako sa isang pasyente ko ng madaling araw kaya naglakad ako papunta sa kwarto ni Caden. Habang dala ang mga pang gamot sa sugat, Siyempre, bilang isang doktor, kailangan kong maging mabuti sa pasyente ko. Nasa oras na ala ona na ng madaling araw at sanay narin ako hindi naman ako ina antok kundi pagod na Pagod lang ako ngayon.
bago ko mahawakan ang doorknob ay bumukas ito at lumuwa don si Doc. vergara taas kilay naman ako nito tinignan bago sinarado ang pintoan at hinarap ako.
“Are you going in?” tanong niya habang suplada akong tinitignan.
“Gusto ko lang tignan ang lagay ng pasyente ko,” sabi ko, pero nag-rolled eyes siya sa akin at sabay cross arms.
“ipapaalala ko lang sa’yo na famous at singer 'yon. Marami kang taong makakalaban kapag nilalandi mo 'yon, at isa din ako sa makakalaban mo. Landiin mo na ang lahat ng nandito sa ospital, huwag lang si Caden—”
“Trabaho ang inaatupag ko, at kung sino man ang malandi sa atin na parang ahas kung gumalaw, walang iba kundi ikaw 'yon,” sabi ko, at akmang sasampalin niya ako nang mahawakan ko ang kamay niya sa ere bago pa ito dumapo sa mukha ko.
