Chapter 24

537 6 0
                                        

Those photos really spread, and many of Caden's fans got angry. I can't blame them since he really is their idol.

Maraming tao ang mapagkamalan na  kasama ni Caden sa mga litrato. Pinupuntirya nila ang ibang mga artista na nakipag-collab sa kanya sa mga kanta, at ang iba ay pinipilit na si Ysenia ito. Sa ngayon, si Caden ang patok at trending sa social media.

Buti na lang talaga at hindi ako pinapakita sa camera, pero alam ko kung paano mag-isip ang taong nasa likod nito naghihintay lang siya ng tamang oras.

Lagi kaming nagte-text ni Caden; palagi niya akong kinakamusta, at ako rin naman, kinakamusta ko siya dahil alam kong may malaki siyang hinaharap ngayon.

Kahapon lang, nagkita kami at kinompronta ko siya dahil alam kong may dapat siyang ayusin na problema.

“Sino kaya 'yong babaeng 'yon? My gosh, may girlfriend na pala si Caden,” sabi ni Dr. Vergara na parang naiiyak.

Napaka-OA.

“Akala ko pa naman may chance na ako kay Caden, huhu.” Napataas tuloy ang kilay ko sa sinabi niya.

"Gusto ko ipamukha sa babaeng 'yon na unang naging sa fans si Caden. Hindi naman siguro niya magiging boyfriend si Caden kung hindi siya sikat." napahigpit ang hawak ko sa kutsara dahil sa sinabi niya. " Baka kasikatan lang din ang hanap niya." Ang talas talaga ng dila ng babaeng 'to, kung ano-ano na lang ang sinasabi. Akala mo alam niya lahat ng kwento.

Kung hindi lang talaga ako nakapagpigil, kanina ko pa ipinasok sa bibig niya itong kutsara na hawak ko.

“Hoy, Vergara , fans ka lang, wala kang karapatang magalit or mag judge agad. may right kang lang masaktan" Napatingin ako kay Nethan nang sabihin niya 'yon. Sinamaan lang siya ng tingin ni Vergara habang umiinom ng milk tea niya." Tandaan ninyo, gaano man kayo ka-supportive sa idol niyo dapat suportahan niyo rin siya sa relasyon niya dahil kasiyahan niya 'yon. " Seryosong sabi ni Nethan, at syempre, agad akong nag-agree sa kanya.

"Tumahimik kanga diyan, sabihin mo nagseselos kalang" maarte niyang saad, at naibuga naman ni Nethan ang kinain niya at natalsikan pa talaga ang mukha ni Dr. Vergara, na ikinagulat ko.

"Ayy, sorry—"

"Punyeta ka, Nethan Marquez!"

Tinigil ni Dr. Vergara ang pagsasalita at nagngangalit na tumayo, punung-puno ng pagkadismaya. Ang mga kasama nilang nakaupo sa paligid ay nagbubulong, nahihiya sa nangyari. Si Nethan ay namutla, nag-aalalang hindi alam kung paano aayusin ang sitwasyon na kanyang pinagmulan.

"Ikaw naman kasi, bakit naman ako magseselos, eh wala naman akong gusto sa'yo, kapal" nakangiwi niyang sabi, at binigyan si Dr. Vergara ng tissue.

Nagpipigil lang ako ng tawa dahil halos malukot na ang mukha ni Dr. Vergara sa galit.

"‘Ang kapal din ng mukha mo. Alam ko naman na may gusto ka sa'kin, in denial ka lang,’ sabi ni Nethan habang nakangisi, tila nang-aasar pa lalo.

mas lalo pang nainis si dr. vergara habang si Nethan ay nagpatuloy sa kanyang biro, wala man lang pakialam sa init ng ulo ng doktor.

"Hala siya ang assumera mo naman" gulat pa na sabi ni nethan napapailing nalang ako mukhang baka sila panga siguro makatuloyan .

"may nakakatawa ba Dr. sy?" napatingin naman ako kay Dr. vergara. Nakataas ang kabilang kilay niya habang nakatingin sakin.

"wala naman bakit meron ba?" pabalik na inosente kong tanong.

"Napatawa si Nethan sa sagot ko, at ito naman si Dr. Vergara, akala mo inaway—panay ang irap sa'kin at padabog na tumayo.

Stone heart Where stories live. Discover now