Mabilis ang tahip ng puso ni Saint. Napasandal siya sa gilid ng pinto at dinama ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Uminit ang kanyang pisnge sa hindi malamang dahilan.
Huminga siya ng malalim at pinuno ng hangin ang kanyang baga. Mahina siyang tumikhim at pinakalma ang puso. Nang kumalma na ito ay agad siyang kumuha ng pamalit sa kanyang dorabox.
Isang bulaklaking duster ang kanyang napili na kulay pula. Hinugot niya ito at nilagay sa matigas niyang kama na gawa sa kawayan. Inangat niya ang magkabilang laylayan ng kanyang damit at tuluyang hinubad. Ginagap niya ang hook ng kanyang bra sa likod at tinanggal. Nakahinga siya ng maluwag at nakaramdam ng kaginhawaan ng tuluyan niya itong matanggal.
“Can i also borrow some sho—Fuck! I'm sorry. ” Malakas na suminghap si Saint sa gulat nang biglang lumitaw ang lalaki sa bukana ng kanyang kuwarto. Mabilis ang galaw nitong hinawi pasara ulit ang kurtina at sunod-sunod na nagmura.
Mabilis na tinakpan ni Saint ang kanyang hubad na pang-itaas at agad na tumalikod.
Nanginginig ang kanyang kamay na kinuha niya ang duster at agad na sinuot. Sa kanyang pagmamadali ay nakalimutan niyang magsuot ng bra. Hinubad niya ang kanyang mahabang palda at pagkatapos ay nilagay sa basket.
Malalim siyang lumunok at lumabas ng kuwarto. Sa kanyang bawat hakbang ay para siyang matutumba. Hiyang-hiya siya, parang ayaw niyang harapin ang lalaki. Alam niyang nakita nito ang kanyang hubad na katawan. Namula ang kanyang pisnge at nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.
Nakita niya ang lalaki sa ibaba na hindi mapakali sa pagtayo. Nang mag-angat ito ay nagtama ang kanilang paningin. Malalim ang titig nito na para bang nilulunod siya. Sinundan nito ang kanyang bawat hakbang kaya hindi mapigilan ni Saint na manginig ang binti sa kaba.
Nang tuluyan siyang makababa ay siyaka lang ito nag-iwas ng tingin. Nahagip niya pa ang namumula nitong tenga.
Tumikhim ang lalaki at tiningnan ulit siya.
“I'm sorry, hindi ko sinasadyang masilipan ka. I forgot that you're changing your clothes. I'm stupid, please forgive me. ” nagsusumamo ang boses nitong sabi.
Napakamot si Saint sa kanyang kilay.
“Kunti lang ang naiintindihan ko sa mga sinabi mo. ” nahihiya niyang sagot.Natampal nito ang noo at mahinang bumulong.
“Right, i forgot that she doesn't understand english. ”
Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita.
“Ang ibig kong sabihin. Pasensya na kung nasilipan kita. Hindi ko sinasadya, nakalimutan kong nagbibihis ka nga pala. ” tumango si Saint at tipid na ngumite sa lalaki.“A-Ayos lang, Uhm... Wag mo nalang isipin 'yon, kalimutan mo na. ” malumanay niyang sagot.
Tumitig sa kanya ang lalaki at kumibot ang labi.
“How can I forget that if your perfect chest is already engraved in my brain?”Nangunot ang noo ni Saint. Parang narinig niya itong nagsalita.
“Huh? May sinasabi ka? ” taka niyang tanong.Umiwas ng tingin sa kanya ang lalaki at umiling.
“Wala. ”Tumango siya.
“Uhm... A-Ano nga pala ang kailangan mo kanina? ” nag-iinit ang pisnge niyang tanong. Naalala na naman niya ang kaninang pangyayari.“G-Gusto ko lang sanang manghiram ng short or boxer kung meron? ” tumango siya.
“Sige, saglit lang at kukuha ako. ”tumango ang lalaki kaya iniwan na niya ito at bumalik sa itaas.