CHAPTER NINETEEN

36 3 1
                                    

"Oh? Bakit ang aga niyo naman yatang umuwi? Sinabi ko lang na umuwi kayo ng maaga sinunod niyo naman agad. Ni wala pang tatlong oras buhat ng kayo'y umalis. " gulat na saad ni Tatay Marino nang dumating sila sa bahay.

Tipid na ngumiti si Ronnie.

"Sumakit po kasi ang tiyan ni Saint, kaya umuwi na lang kami. " magalang nitong sagot.

"Naku, baka nanibago lang ang tiyan ni Saint. Hindi kasi iyan sanay kumain ng mga mamahaling pagkain. " singit ni Nanay Pacita.

Nakagat ni Saint ang pang-ibabang labi sa konsensya. Nakokonsensya siya kay Ronnie. Ang laki pa naman nang nabayaran nito kanina sa pagkain nila tapos hindi pa nila naubos. Pinilit niya itong bayaran ngunit umaayaw naman.

"Saint, mauna na ako. " paalam nito.

Ngumiti siya dito ng pilit at tumango.
"Mag-iingat ka. " ngumiti ito sa kanya at bahagyang ginulo ang kanyang buhok.

"Huwag mo nang isipin 'yun. Hindi mo naman kasalanan kung bakit sumakit ang tiyan mo. At siyaka, libre ko 'yun diba? Hindi mo na kailangan mag-alala." Mas lalo pa siyang nakonsensya. Parang maiiyak na yata siya.

Nang umalis ito ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Dumeretso siya sa kuwarto at nagbihis.

"Ano ate, maayos ba ang naging dinner date niyo ni Kuya Ronnie? " puno ng galak na tanong sa kanya ni Maureen.

Ngumiti siya dito ng pilit.
"Hindi nga e, s-sumakit kasi tiyan ko." Halos mapapikit na siya sa kanyang sagot.

Bumagsak ang mukha nito.
"Sayang naman. Mukhang pinaghandaan pa naman 'yun ni kuya Ronnie. Pero di'bale, may susunod pa naman. Sa susunod na date niyo nalang kayo mag enjoy. " saad nito.

Sa sumunod na araw ay hindi niya na nakita si Ronnie. Sa pag-aakalang sumama ang loob nito ay nagpunta siya sa pinagtatrabahuhan nito.

"Si Ronnie ba hinahanap mo, hija? " tanong ng matandang lalaking nagpapahinga sa tent.

Ngumiti siya dito at tumango.
"Opo, nandiyan po ba siya? " tanong niya.

Umiling ito.
"Hindi mo ba alam? Nasa Cebu siya ngayon. Dinala siya ng amo namin doon at doon muna ito pansamantalang inassign. " sagot ng matanda na ikinatango niya.

Nakahinga siya ng maluwag sa nalaman. Akala niya sumama ang loob nito sa kanya kaya hindi ito nagpapakita sa kanya.

Nagpasalamat siya sa matanda at pagkatapos ay bumalik na siya sa panaderya. Nang sumapit ang alas diyes nang umaga ay nagkaroon siya ng maraming customer dahil maraming mga bumabiyahe ang huminto saglit sa panaderya at bumili ng tinapay.

Nangunot ang kanyang noo nang makita ang isang magarang sasakyan na huminto sa tapat ng panaderya. May isang guwapong binatang lalaki ang bumaba sa driver seat at naglakad papasok sa panaderya.

"Ano po ang atin, sir? " magalang niyang tanong habang may ngiti sa labi.

Umawang ang labi nito at napatitig sa kanyang mukha.

"Sir?" Untag niya na ikinakurap-kurap nito.

"Damn! Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang mga tindera ng mga tinapay. "

Bulong nito na hindi niya masyadong narinig.

"Do you have ensaymada Miss beautiful? " tanong nito.

Tumango siya.
"Meron po, ilan po? "

"Fifty. "

Tumango siya at kumuha ng malaking paper bag para doon ilagay ang binili nitong ensaymada.

WANTS AND DESIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon