Lumipas ang mga araw at buwan na wala man lang Levi na nagpapakita. Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Saint. Unti-unti niya ng binibitawan ang pangako ni Levi na babalik ito sa kanya.
Sa kalagitnaan ng gabi ay mabilis na napabangon si Saint sa pagkakatulog ng siya'y makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Sa pag-aakalang si Levi na iyon ay mabilis siyang bumaba at binuksan ang pinto. Ang kanyang malawak at umaasang ngiti ay bigla na lamang naglaho ng makita ang tatlong hindi kilalang lalaki.
“S–Sino kayo? ” may bahid na pangambang tanong ni Saint.
Nagkatinginan ang tatlong lalaki at kalaunan ay nagsingisihan sa isa't-isa.
“Kung sinuswerte nga naman. Isang magandang dilag pa ang ating nakita ngayong gabi. ” nakakalokong saad ng isang lalaking may mahabang bigote.Malakas na binundol nang kaba si Saint. Batid niyang walang magandang hatid ang tatlong estrangherong lalaki. Kaya naman, mabilis niyang sinara ang pinto. Hindi agad iyon nahulaan ng tatlong estranghero kaya hindi nila napigilan ang kanyang pagsara.
“Sexy, buksan muna ang pinto. Makikituloy lamang kami. ” pakiusap ng mga ito. Ngunit ang klase ng tono nito'y parang may binabalak na masama sa kanya.
Umiling iling si Saint. Nanginig ang kanyang mga kamay at nanlamig ang kanyang talampakan. Namutla ang kanyang labi at nangilid ang luha sa kanyang mga mata dahil sa takot at kaba.
“U-Umalis na kayo! W-Wala kayong makukuha sa akin! ” pagmamatapang niya.
Narinig niya ang tawanan ng tatlo at ang pag-unga ng kanyang kalabaw.
“Pagkatapos nating pagsawaan ang babae ay kukunin natin ang lahat ng mga hayop at gamit niya. ” ang madilim na balak ng tatlo. Mabilis siyang pumaitaas at pumasok sa kanyang kuwarto nang marahas na tinulak-tulak ng mga ito ang pinto.Mabilis ang kanyang kilos na kumuha ng bag at naglagay ng mga damit. At iba pa niyang mga kakailanganin.
“Kapag nabuksan ko 'to yari ka sa akin babae ka! ” sigaw ng isa na ikinanginig ng kanyang kamay.
Nang matapos siya ay agad niyang sinukbit sa likod ang bag at tahimik na binuksan ang binata sa likod ng kubo. Nang makitang walang tao ay dahan-dahan siyang bumaba. Hindi siya gumawa ng ingay as much as possible dahil baka mahuli siya ng mga ito. Sa kanyang pagbaba ay ang pagbukas naman ng pinto. Rinig niya ang mabibigat na yapak ng mga ito paitaas. Mabilis siyang tumakbo paalis.
“Puntangina! Nakatakas ang babae! Habulin niyo! ”
Mas lalo niya pang binilisan ang kanyang pagtakbo. Hindi siya dumaan sa daanan dahil baka makita siya at maabutan. Mas mabuting sa damuhan siya dadaan para makapagtago. Alam niya ang pasikot-sikot sa bukid dahil buong buhay niya ay dito siya pinanganak at lumaki.
“Magdasal ka nalang babae na hindi ka namin mahuhuli dahil pagsasawaan talaga namin 'yang katawan mo! ” nanindig ang kanyang balahibo sa sigaw ng lalaki. Kahit pagod at hinihingal na siya sa pagtakbo ay hindi siya huminto. Ramdam niya ang mga sugat sa kanyang paa. Wala siyang suot na tsinelas kaya nagkanda-sugat na siya.
Pati narin sa kanyang mga braso dahil sa tulis ng mga damo.
“D–Diyos ko tulungan niyo po ako. ” mahina niyang dasal habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha.
“Ahhh!!! ” malakas siyang napasigaw nang mapatid siya at magpagulong-gulong pababa. Mahina siyang napadaing nang tumama ang kanyang katawan sa puno ng kahoy.
“Asan na 'yon? ” rinig niyang tanong ng lalaki sa kasama. Mabilis siyang nagtago sa likod ng kahoy. Nagpapasalamat siyang gabi at walang buwan dahil hindi siya makikita ng mga ito. Wala rin itong dalang flashlight.