Kinabukasan ay maagang nagising si Saint para diligan ang kanyang mga halaman at pakainin ang dalawang inahing manok ng kanyang yumaong lolo.
Abala siya sa pagsasabog ng bigas sa manok ng makita niya ang paglabas ni Levi. Mukhang kakagising pa lang nito dahil magulo pa ang buhok at namumungay pa ang mga mata. Mukha pang inaantok.
“Magandang umaga. ” kaswal niyang bati sa binata.
“Magandang umaga. Bakit ang agad mong nagising? ” namamaos ang boses nitong tanong sa kanya at sumandal sa gilid ng pinto.
Ngumite siya sa binata.
“Marami pa kasi akong gagawin. Pagkatapos ko dito ay pupunta na naman ako sa palayan namin. Maiiwan kita ritong mag-isa. Huwag kang mag-alala at ligtas ka naman dito. ” aniya.Umayos ito sa pagkakasandal.
“Pwede ba akong sumama na lang? Ayaw kong maiwan dito mag-isa. Masyadong tahimik, baka maburdo lang ako. ” katwiran nito.“Sasama ka? Pero mabuburdo ka lang rin. Dito, pwede kang matulog buong maghapon at kung sakaling sasama ka nga ano namang gagawin mo doon? ” kunot ang kanyang noong tanong.
Tinitigan siya nito sa mata bago sumagot.
“Papanoorin ka. ” malalim ang boses at parang nang-aakit nitong sabi.Napahinto si Saint sa akmang paglagay ng tubig sa inumin ng manok dahil sa sinabi ni Levi. Agad naman siyang nakabawi at umaktong normal kahit ang puso niya'y hindi magkamayaw sa pagtibok. Malalim siyang lumunok at tumalikod upang itago ang nag-iinit niyang pisnge.
Pagkatapos niya ay pumasok siya sa loob ng kubo. Tahimik namang nakasunod sa kanya si Levi.
“Mag kape ka muna. ” aniya at kumuha ng tasa at kutsara. Siya na ang nagtimpla ng kape nito.“Umiinom ka ba ng kapeng puro? ” tanong niya.
Tumango si Levi.
“Oo, pero 'yong walang asukal. ” tumango siya at pilit itong tinandaan.“Ito.” abot niya pagkatapos niya itong haluing mabuti.
Nginitian siya ng binata at malugod na tinanggap ang kanyang binigay na kape. Nang sumimsim ito ay hindi niya maiwasang kabahan na baka hindi nito magustuhan.
“Hmm, ang sarap ng kape mo. Ito na ang paborito ko simula ngayon. ” saad ng binata na ikinangite niya ng malawak. Nawala rin ang kanyang kaba.
“Salamat, hayaan mo at simula ngayon. Ako na ang magtitimpla ng iyong kape. ” aniya na ikinangite rin nito.
“I'm looking forward for that. ” saad nito na ikinakunot ng kanyang noo. Hindi niya ulit maintindihan ang sinabi nito. Parang gusto niya tuloy pag-aralan ang salitang englis.
Nahihiyang kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.
“Uhm... P-Pwede ba akong humingi sayo ng pabor? ” nahihiya niyang saad.Umayos ng upo si Levi at tumango.
“Oo naman, ano 'yon? ”Kinakabahang nakurot niya ang kanyang daliri.
“P-Pwede mo ba akong turuan ng salitang englis? P-Pero kung ayaw mo. Hindi naman kita pipilitin.” nahihiya niyang sabi.Tumaas ang sulok ng labi ni Levi at kalaunan nga'y natawa.
“Bakit naman hindi? Tutal medyo matatagalan pa ako sa pananatili dito. Bayad ko narin sayo sa pagpapatira mo sa akin. ” sagot ni Levi na ikinatuwa niya.“Salamat ah? Pangarap ko talagang matotong magsalita ng englis. Ngunit dahil wala akong pinag-aralan ay hindi ako natoto. ” kwento niya.
Unti-unting nabura ang ngite sa labi ni Levi dahil sa kanyang sinabi. Hindi niya tuloy maiwasang mahiya.
“Bakit? ” seryoso nitong tanong na ikinataka niya.
“Huh? Anong bakit? ” takang tanong niya.
Malalim na huminga si Levi.
“Bakit hindi ka nakapag-aral? ”Mapait siyang ngumite.
“Wala kasi kaming pera panggastos at malayo rin kami sa siyudad. Tanging lumang libro lang ang aking ginamit upang matotong magbasa at magsulat... Teka, kukunin ko saglit at ipapakita ko sayo ang libro at papel na sinusulatan ko. ” aniya at nagpaalam saglit upang kunin ang lumang librong nasa kanyang kabinet.Nang makuha niya ito ay agad siyang bumaba ulit.
“Ito oh. ” saad niya sabay lapag sa lumang libro na halos pudpud na dahil kinain ng daga. Ang papel naman ay halos hindi narin makita ang linya dahil sa kakupasan. At ang kanyang lapis na ginamit ay sobrang liit na na hindi na masyadong mahawakan. Napatitig doon si Levi.
“I-Iyan ang ginamit mo sa sarili mong pag-aaral? ” hindi makapaniwala nitong tanong.
Tumango siya.
“Oo, iyan lang kasi ang kayang bilhin ni lolo dahil kapos kami sa pera. Matagal narin ito sa akin, bata pa ako nang binili ito ni lolo. ” saad niya.Hindi nagsalita si Levi at tinitigan lang ang kanyang gamit na animo'y may malalim na iniisip.
“And here i am, skipping class and not wanting to attend because laziness, while other people are striving to learn to read and write, even without complete supplies. ” mahina nitong sabi na halos hindi niya madinig.
“Huh? ” nagtatanong niyang sabi.
Umiling ito at tipid na ngumite sa kanya.
“I'm so proud of you. ” kahit hindi niya maintindihan ang sinabi nito ay ramdam niya ang sinseridad at pagmamalaki sa tono ng boses nito.Tanging ngite lamang ang kanyang sinukli. Hindi niya man maintindihan ang sinabi nito ay ramdaman niya kung ano ang ibig nitong ipaabot.
Sabay silang kumain ng agahan. Sari-saring gulay ang ulam nila. Akala niya'y maririnig niya ulit itong mag-inarte ngunit nagulat siya ng tahimik lang itong kumain. Wala siyang narinig na kahit na anong pagtutol na ikinangite niya ng palihim.
Pagkatapos nga nilang kumain at magligpit ay sumama ito sa kanya sa palayan. Lumaki narin ang kanyang pananim na palay. Inaantay na lang niya kung kailan ito mahinog para ma-ani. Mano-mano ang kanyang pag-aani dahil wala naman siyang makina na pwedeng umani ng kanyang pananim na palay.
“Ano ang gagawin mo? ” tanong sa kanya ni Levi.
“Itataboy ko lang ang mga muryon para hindi nila kainin ang bunga ng palay. Baka maubos at wala akong ma-ani. Edi magugutom ako. ” sagot niya.
“Paano? ” taka nitong tanong.
“Nakita mo itong lubid na ito at ang mga latang nakatali? may batong nakalagay sa loob ng lata. Yuyogyugin mo lang itong lubid na ito at tutunog ang mga lata. Matatakot ang mga moryun at magliliparan sila paalis... Panoorin mo ang gagawin ko. ” aniya at inutusan itong panuorin siya.
Hinawakan niya ang lubid at malakas na niyogyog kaya naman umingay ang mga lata. Mabilis na nagliparan ang mga ibon. Nilingon niya ito. Nakita niya ang pagkamangha sa mga mata ni Levi.
“Cool.” komento nito.
“Pwede ko bang subukan? ”
Tumango siya. Hinawakan ni Levi ang lubid at niyogyog. Gumawa ulit ng ingay ang mga lata at may nagliliparan ulit na ibon. Pero kunti na lang.
“Fuck! I've never tried this before. This is so cool. ” namamanghang saad ni Levi.
He grew up in the city, so he never experienced this. It turns out that living in the countryside is enjoyable. He thought it would be boring because all he would see were mountains, trees, and rice fields. He feels like a child having fun chasing away the birds.
They stayed in the rice field for a while before going home. Levi was still in awe. It seemed that he would carry this sense of wonder with him until he returned to the city. His chest tightened at the thought of leaving Saint alone. He felt like he couldn't leave her. He felt pity for her.
___________
A/N: Hello Deities, I'm sorry for the late update. Sobrang abala ako sa pagsusulat sa youtube kaya hindi ako nakapag update dito. But no worries dahil mag-uupdate naman ako kapag may free time. Please don't forget to vote and follow me. Thank you! 🥰💅