CHAPTER ONE

199 1 0
                                    

“Apo! ” mabilis na napatayo si Saint sa kinauupuang kahoy nang marinig ang pagtawag ng kanyang lola Pasing sa kanya.

Nasa likod bahay siya at kasalukuyang naglalaba sa ilog na nasa likuran lang ng kanilang kubong tinitirhan. Alas singko pa lamang ng umaga siya nagsimulang maglaba. Kailangan niyang matapos agad ang ginawa dahil tutulong pa siya sa pag–aararo mamaya sa maliit nilang palayan kasama ang kanyang Lolo Teryo.

“Ano po ‘yon la? ” mahinhin ang boses niyang tanong pagkapasok sa maliit nilang tinitirhang kubo.

“Pakikuha nga ng tungkod ko at maglalakad lakad ako sa bakuran, para naman tumibay pa itong mga buto ko. ” utos nito sa kanya. Nakita niya pa ang  marahan nitong paghilot sa tuhod.

Matanda na ang kanyang lola Pasing. Nasa edad syetenta é singko na ito. Habang ang kanyang lolo naman ay nasa Otsinta na. Masyado nang matanda ang kanyang lola't lolo ngunit malakas pa ang mga ito. Hindi nga lang kasing lakas ang lola niya sa kanyang lolo. Dahil mas sanay ang kanyang lola sa mga gawaing bahay kaya hindi masyadong nauunat ang katawan nito. Habang ang kanyang lolo naman ay sanay sa trabahong mabibigat at dahil narin siguro sa masustansyang pagkaing kanilang kinakain dito sa bukid. Ang dalawang matanda na lamang ang kanyang kasama sa buhay dahil wala na siyang mga magulang. Namatay ang kanyang ina nang siya'y ipinanganak. Habang hindi naman niya nakilala ang kanyang ama dahil iniwan nito ang kanyang ina nang ito'y magbuntis. Kaya simula noon, ang kanyang Lola at lolo na ang tumayong magulang niya. Dito siya sa bukid pinanganak kaya dito rin siya lumaki.

Hindi pa siya nakakapunta sa patag kaya wala siyang alam sa buhay ng mga taga syudad. Wala siyang ka muwang muwang roon. Ang alam niya lang ay magkaiba ang pamumuhay sa bukid at sa syudad. Sa bukid wala kang makikitang matataas at matayog na estraktura. Ngunit sa syudad meron.

Nais niya rin namang makapunta sa syudad ngunit dahil hindi siya pinapayagan ng kanyang lola at lolo dahil sabi'y delikado, kaya mas minabuti niyang iwaglit na lamang sa kanyang isipan ang kanyang nais. Kaya hanggang sa palayan lang siya nakakapunta. Wala silang kapitbahay at tanging kubo lang nila ang nakatayo dito sa tuktok ng bundok.

Agad niyang kinuha ang tungkod na pinag–uutos ng kanyang lola Pasing. Nasa gilid lamang ng pinto nila nakalagay ang tungkod. Malapit lang naman sana ngunit dahil medyo malambot na ang tuhod ng kanyang lola ay hindi na nito kayang tumayo na walang gamit na tungkod.

“Heto na po, La. ” saad niya at inabot rito ang tungkod. Inalalayan niya itong tumayo ng makita ang panginginig ng kamay nito.

“May iuutos pa po ba kayo sa akin la? ” umiling ang matanda. “Wala na, maari ka ng bumalik sa iyong ginagawa. Wag mo na akong intindihin. ”

Tumango siya bilang tugon bago umikot sa likod ng bahay at tinungo ang ilog at siyaka bumalik sa naudlot na paglalaba.

Inabot pa siya ng ilang minuto dahil sa sobrang dumi ng kamisita ng kanyang lolo. Maraming putik na alam niyang galing ito sa pagtatrabaho sa palayan. Nang matapos siyang mag laba ay agad niya na itong binanlawan at pagkatapos ay sinampay sa kanilang sampayan na gawa sa alambre.

Nang siya'y matapos sa ginagawa ay nagpahinga muna siya saglit bago naligo. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay tinungo niya naman ang kusina para magluto ng kanilang agahan. Nag prito siya ng binilad na daing at nagluto ng sari–saring gulay. Gaya na lamang ng sayote, papaya at malunggay.

Pagkatapos niyang magluto ay agad na niyang tinawag ang kanyang lola at lolo para kumain. Nag lagay siya ng kanin sa bandihado at gulay sa mangkok at dinala sa labas ng kubo kung saan may mesa at upuan sa ilalim ng malaking puno. Bumalik siya sa kusina para kunin ang tubig na nilagay niya kanina sa pitsel bago dinala ulit sa labas kasama ang kanyang piniritong daing.

Nadatnan niya ang kanyang lola at lolo na nakaupo na sa nakagawian nilang upuan. Malawak ang kanyang ngiting lumapit sa dalawang matanda at nilagay sa mesa ang tubig at daing.

Umupo siya sa kanyang upuan. “Ipikit ang ating mga mata at iyuko ang ulo. ” pauna niyang sabi nang simulan ang pagdarasal. Nakagawian na nilang magdasal kapag kakain o matulog.

“Panginoon namin. Maraming salamat sa bigay ninyong pagkain. Hindi lamang po sa araw na ito ngunit sa mga susunod pa na araw. Kami po'y lubos na nagpapasalamat sa iyong kadakilaan. Amen. ”

Pagkatapos nilang magdasal ay agad na silang nagsimulang kumain. Tahimik at payapa ang kanilang agahan. Tanging awit lamang ng mga ibon at malakas na hampas ng hangin ang maririnig sa paligid. Lubos na ipinagbabawal ng kanyang Lola Pasing ang pagsasalita sa harap ng pagkain. Naniniwala itong kawalang respito ito sa binigay na gracia ng may kapal.

Pagkatapos nilang kumain ay hindi muna sila tumayo sa kinauupuan at nagpatunaw muna sa kanilang kinain. Nang matapos sa pagpatunaw ay agad na siyang tumayo upang magligpit sa kanilang pinagkainan. Nilagay niya ito sa planggana at dinala sa ilog para mahugasan.

Pagkatapos niyang maghugas ay nilagay niya rin agad ito sa lalagyan. Pagkatapos ay sumama sa kanyang lolo Teryo sa palayan upang tulungan itong araruhin ang kanilang maliit na palayan. Dito sila kumukuha ng bigas. Pagna–ani na kasi ang mga palay ay dinudurog nila ito gamit ang kahoy upang mawala ang balat. ‘Yan ang kanilang ginagawa upang magkaroon ng bigas na kanilang makain.

Hindi lamang palay ang kanilang tanim dito sa bukid dahil meron rin silang tanim na mais, saging at kamote. Kapag wala na silang bigas ay kamote o saging ang kanilang kinakain o hindi kaya ay mais.

Suot ang isang kupas na pants at kupas rin na sleeveless jacket ay sumulong siya sa init. Tanging sumbrero na gawa sa abaka lamang ang kanyang proteksyon sa init. Sanay na siya sa init kaya hindi na siya nagrereklamo. Ngunit kahit na gano'n pa man ay hindi siya umiitim. Parang siyang gatas sa puti. Walang ring kahit na anong galos ang kanyang balat kahit paman lumaki siya sa bundok. Sabi ng kanyang lola ay maganda siya. Matangkad, matangos ang ilong at bilugan ang mukha. At ang kulay ng kanyang mata ay kulay abo. Namana niya ito sa kanyang yumaong ina.

Tagaktak ang pawis ni Saint habang nag–aararo sa palayan sa ilalim ng kainitan. Kahit na gano'n ay hindi siya huminto. Sanay na siya kaya hindi na ito bago sa kanya. Kahit masakit ang init ay tinitiis niya. Iniisip niya na lamang na para rin ito sa kanya–kanila. Kailangan niyang mag pursige sa buhay para may makain. Para may mailagay sa kumukulong tiyan.

“Apo! Pahinga ka muna saglit. ” napalingon siya sa kanyang lolo Teryo. Kasalukuyan na itong naglalakad papunta sa malilim na parte, sa ilalim ng malaking puno kung saan may upuang kawayan. Kasama nito ang alagang kalabaw na si Sinag. Dalawa ang kanilang pagmamay–aring kalabaw. Si Sinag at Sikat.

Paborito niya ang dalawa ngunit mas mahal niya si Sikat. Si Sikat ay anak ni Sinag. Kasama na niya itong lumaki at ito ang kanyang naging kaibigan.

“Mamaya na po lo, tatapusin ko lang ito saglit! ” sagot niya at pinaikot kaisa si Sikat. Matapos magawa ang isang ikot ay naglakad na siya patungo sa kanilang pahingahan. Pinalunang niya muna si Sikat sa malapit na irigasyon para naman mawala ang init nito sa katawan. Pagkatapos ay nagtungo siya sa upuan.

WANTS AND DESIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon