Chapter fourteen
Billboard
“Heto ate, bagay ito sayo.” nakangiting saad ni Maureen at bahagyang sinukat sa kanya ang napili nitong damit. Off shoulder iyon kaya kung susuotin niya ay malalantad ang kanyang balikat.
“Hindi ba masyadong lantad iyan? ” naiilang niyang tanong. Mabilis na umiling si Maureen.
“Hindi ate, mas okay pa nga ito kesa sa ibang damit na karaniwang sinusuot ng kababaehan ngayon. Lantad na lantad ang balat nila at halos nalang maghubad.” nakangiwing saad ni Maureen.
Ngumiti na lamang siya ng tipid rito. Wala na kasi siyang maisasagot dahil hindi niya rin alam kung ano ang tamang reaksyon niya. Wala namang kaso sa kanya iyon kung iba manuot ang mga kababaehan kesa sa kanya. May kalayaan silang pumili ng gusto nila kaya wala siyang dahilan at karapatan na husgahan sila sa kanilang pananamit.
Wala na nga siyang nagawa nang piliin iyon ni Maureen para sa kanya. Maganda naman ang damit at ang tela. Naiilang lamang siya dahil hindi siya sanay magsuot ng ganoong klaseng pananamit. Nasanay kasi siya sa mahabang palda at mahabang damit.
Nasa mall pala sila ngayon, dinala siya ni Maureen upang bumili ng iba pa niyang gamit. Kaunti lang kasi ang kanyang nadala sa kanyang pagtakas. At mahigit isang linggo narin siyang nakatira rito sa Maynila. Sahod niya kahapon kaya naman may pera siyang pambayad.
“Tama na iyan, Maureen. Hindi na kakasya itong pera ko. ” saway ko.
Imbes na makinig ay umiling lamang ito.
“Wag kang mag-alala ate. Binigyan ako ng pera ni papa. ” katwiran nito na ikinailing niya.Marami-rami ang kanilang nabiling gamit niya. Pati si Maureen ay bumili rin ng para sa sarili.
“Kain muna tayo saglit ate, bago tayo umuwi. ” aya ni Maureen na sinang-ayunan niya. Nagugutom narin kasi siya.
Pumasok sila sa sinasabi nitong Jollibee. Isa raw itong fastfood chain at masasarap raw ang mga pagkain. At hindi nga siya nabigo dahil sarap na sarap siya sa fried chicken at spaghetti. Unang beses niyang makatikim ng ganun kaya naman sobrang saya niya. Parang paborito niya ang ngayon ang Jollibee.
Sa susunod ay mag-iipon siya para makakakin ulit siya sa Jollibee. Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan na nilang umuwi. Nagpunta sila sa sakayan ng jeep. Habang papunta roon ay bigla siyang napahinto nang makita ang pamilyar na mukha ng isang lalaki na nakaplastar sa isang sukat parihaba na hindi niya alam kung ano ang tawag doon. May kasama itong magandang babae sa litrato.
“Oh? Bakit ka napahinto? ” tanong ni Maureen ngunit hindi niya ito nilingon. Nakatutok lamang ang kanyang tingin sa larawan.
Nanikip ang kanyang dibdib nang makita ang malawak nitong ngiti habang nakatitig sa kasamang babae.
“Ang pogi no? Sayang lang kasi ikakasal na sila ng kasama niyang babae. Pero di'bale, maganda naman si Ms. Samantha. Bagay na bagay sila, hindi ba? ” nakangiting saad ni Maureen habang nakatingin sa litrato.
Mas lalong nanikip ang kanyang dibdib sa nalaman. Kaya ba hindi siya nito binalikan dahil may ibang naghihintay sa pagbalik niya? Kaya ba atat na atat itong umuwi? Ano lang pala siya dito? Wala lang ba siya para dito? Nasan na 'yong pangako nitong babalikan siya?
“Hala! Bakit ka umiiyak ate? ” tarantang tanong ni Maureen.
Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang luha at tipid na ngumiti dito.
“W–Wala. Napuwing lang. ” pagrarason niya. Mukha naman itong naniwala dahil nakita niya itong tumango.
“Akala ko may gusto ka kay Leviticus kaya ka po umiiyak. Pero wala namang masama kung mag kagusto ka sa kanya ate. Pero 'yun na nga po. 'Wag nalang po umasa dahil si Ms. Samantha lang ang mahal niyan. ” mas lalo siyang nasaktan sa sinabi ni Maureen. Ngumiti na lamang siya ng pilit dito.
“H-Hindi, Hindi ko nga siya kilala. Napuwing lang talaga ako. ” pagtanggi niya.
Tumango ito at inaya na siyang umalis. Buong biyahe nila pauwi ay tahimik lamang siya. Nawalan siya ng gana at para siyang nalanta. Sumasakit ang puso niya sa nalaman tungkol kay Levi. Akala niya ay hindi siya nito sasaktan. Ang tanga niya rin kasi naniwala agad siya sa mga ipinapakita nito. Ang masakit ay binigay niya lahat dito, ang sarili at puso niya. Binigay niya dito. Wala siyang tinira sa sarili. Kaya sobrang sakit, sobrang sakit malaman na niloloko lang pala siya nito. Gusto niya itong makita at tanungin kung ano ang nagawa niyang mali at ginanito siya nito.
“Iha, anong nangyare sayo? Kanina ko pa napapansin sa pag-uwi niyo na parang malungkot ka? May nangyari ba kanina? ” nag-aalalang tanong ni Nanay Pacita sa kanya.
Parang gusto niya itong yakapin at magsumbong. Pero nahihiya siya, kaya naman tipid siyang ngumiti at umiling.
“Wala po. Medyo masama lang po ang pakiramdam ko. ” pilit niyang sabi.
Mas lalo itong nag-alala.
“Uminom ka naba ng gamot? ” tumango siya.“T–Tapos na po. Ipagpapahinga ko lang po ito. ” saad niya.
Malalim na bumuntong hininga si Nanay Pacita.
“Kapag may kailangan ka, wag kang mahiyang tawagin ako ha? ” tumango ulit siya.“Opo.”
Nang magpaalam itong lalabas na ay agad niya nang pinakawalan ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Tahimik siyang umiyak sa kanyang kuwarto at nilabas lahat ng sakit.
Ni minsan ay hindi pa siya tinitigan ni Levi ng ganoon gaya ng ginawa nitong pagtitig sa babaeng kasama sa litrato. Parang punong-puno ng pagmamahal ang kanyang mga titig. At sobrang sakit makita iyon. Ngunit bakit nga ba siya nasasaktan? Hindi naman siya nito kasintahan. Ni minsan hindi siya nito sinabihan ng mahal kita.
Siguro dahil mahal niya ang binata. Kaya siya nasasaktan ng ganito. Kung hindi lamang siya nagpakatanga ay hindi siya masasaktan ng ganito.
“Winasak mo ulit ang puso kong sugatan. Ni hindi pa nga ito gaanong naghilom. ” mahina niyang saad habang tahimik na lumuluha.
Hindi pa gaanong naghilom ang sakit sa kanyang puso dulot ng pagkawala ng dalawang taong mahalaga sa kanya. Ngayon ay bumalik ulit ang sakit at naging malaki na ulit ang sugat na sana'y unti-unti nang naghilom.
“Ano ba ang nagawa kong mali upang saktan mo ako ng ganito? ” lumuluha niyang bulong sa hangin. Pagod na pagod na ang kanyang mata sa pag-iyak. Ganu'n rin ang kanyang puso.
Napagod na ito, ngunit naroon parin ang sakit. Hindi yata iyon mawawala agad.
“Ang pagmamahal ko sa iyo'y parang dagat. Walang katapusan, ngunit sa ginawa mo sa aki'y para na itong naging kanal na unti-unting natutuyot. ”
📰 Social media accounts;
🎶 Tiktok;
@miss4phrodite📷 Instagram;
@aphrodi_tea2🔖 Facebook account;
Hestia WP
MissAphrodite WP🔖 Facebook page;
Miss4phrodite Stories