Lumipas ang mga araw at buwan. Namalayan na lamang ni Saint na magdadalawang buwan na siyang mag-isang nakatira sa bukid. No'ng una hindi niya kinaya ang hirap at lungkot. Pero dahil sa pangako niyang aalagaan niya ang dalawang kalabaw at ang kanilang mga pananim. Pinipilit ni Saint na bumangon sa pagkakalugmok.
Malalim na bumuntong hininga si Saint at pinunasan ang kanyang pawis sa mukha at leeg. Nangunguha siya ngayon ng paggatong niya. Palagay niya kasi ay magiging maulan sa mga susunod na araw dahil sa makulimlim na kalangitan at minsanang pag-ambon. Naninigurado lamang siya, para kapag darating ang tag-ulan ay may panggatong siyang magagamit.
Sumandal siya sa malaking punong kahoy para magpahinga saglit. Sinandal niya rin ang isang sakong panggatong na nakuha niya. Medyo mabigat rin iyon kaya hiningal siya sa pagdala.
“Fuck this shit! ” agad naalerto ang katawan ni Saint ng marinig ang hindi pamilyar na boses.
“Damn! ” nagpalinga-linga siya upang hanapin ang boses.
“Sino ang nandiyan!? ” malakas niyang sigaw.
Narinig niya ang mabibilis na yapak patungo sa kanyang gawi. Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa bitbit na machete. Kinabahan siya dahil kahit ni minsan ay wala pang ibang taong naligaw dito sa bukid. Ito ang unang beses.
“Oh, thanks god! ” Napaatras sa gulat si Saint nang biglang may lumitaw na lalaki sa kanyang harap.
Agad niyang tinaas ang hawak na machete at tinutok dito. Agad naalarma ang lalaki at mabilis na tinaas ang dalawang kamay na animo'y sumusuko.
“Woah! Calmn down Miss. ” nangunot ang noo ni Saint ng hindi maintindihan ang sinabi nito.
“Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa bukid? ” sunod-sunod niyang tanong.
Palihim na pinasadahan ni Saint ng tingin ang lalaki. Matangkad ito, hanggang dibdib nga lang si Saint. Magulo ang itim na itim nitong buhok na animo'y ilang ulit na sinabunutan, matangos ang ilong, makapal ang kilay at mahaba ang pilik-mata. Ang mata nito'y kulay abo na sobrang lalim kung tumitig. May nabasa siyang emosyon sa mga mata nito... Pagkamangha, iyan ang nababasa ni Saint. Malaki ang pangangatawan ng lalaki at malapad ang dibdib. Ang balat nito'y kayumanggi.
“Easy, I just want to ask where the way back is. I have to get home before night falls. can you show me the way? ” tanong ng lalaki sa malalim na boses.
Puno ng pagtatakang tiningnan ni Saint ang lalaki.
“Paumanhin ngunit hindi kita maintindihan. ” saad ni Saint.
Ang lalaki naman ngayon ang nagtaka. Paanong hindi siya maintindihan ng babae? Well, baka hindi ito makaintindi ng englis.
Tumikhim si Leviticus.
“Ang ibig kong sabihin kung alam mo ba ang daan pabal—” Levi stop from talking when the rain started to fall.Parehong napaigtad ang dalawa nang magsimulang lumakas ang patak ng ulan. Mabilis ang kilos ni Saint na kinarga ang kanyang panggatong sa balikat. Napamaang si Levi ng makita ang ginawa ng babae. Hindi siya makapaniwalang may babae pang walang arte sa katawan at ganun ka lakas. Nagsimula itong maglakad ng mabilis kaya agad niya itong hinabol.
“Can i—ang ibig kong sabihin, maari ba akong makituloy muna sa inyo? ”
Bahagyang lumingon ang babae sa kanya at tumango. Agad nakahinga ng maluwag si Levi. Inagaw niya ang dala ng babae kaya natigilan ito.
“Ako na, mukhang mabigat eh. ” saad niya at ngumite rito.
Hindi nga siya nagkakamali, mabigat nga. Hindi siya makapaniwalang makakaya nitong pumasan ng gano'n kabigat. Nagkibit balikat ang babae at nauna nang maglakad kaya sumunod siya ritong pasan-pasan ang sakong may lamang kahoy. Hindi niya alam kung para saan iyon.
Bahagyang umangat ang kilay ni Levi nang marating ang isang bahay or should he say kubo? Sobrang liit nito. Ang bubong ay gawa sa nipa? He's not sure though. He's so amaze. Simple but amazing. Meron ring maliit na silong. Pagpasok nila ay agad sumalubong sa kanyang paningin ang maliit na kusina. May maliit na mesa sa gitna at maliit na lababo sa gilid.
May hagdang gawa sa kahoy para makaakyat sa itaas na hula niya'y kuwarto. Dalawang baitang lang ang meron kaya hindi masyadong mahaba ang aakyatin.
“Dito mo ilagay. ” nabalik ang tingin ni Levi sa babae nang magsalita ito. Until now, na-aamaze parin siya sa babae. Hindi maarte at maganda pa.
The woman's face is small, Her eyes are black and seems sleepy all the time. Small but sharp nose, perfect eyebrows and eyelashes, long wavy hair down to her butt. Her lips are pink and heart-shaped. She's petite and thin in attractive way. Her fashion is bad but bumawi naman sa mukha.
“Hindi mo pa ba ilalagay 'yan? ” agad nabalik si Levi sa realidad nang magsalita na naman ito ulit. Even her voice is soft and attractive.
Damn! He was embarrassed by that.
Agad niyang nilagay sa gilid ng pinto ang sako. Pinagpagan niya ang kanyang kamay at ang balikat.Nakita niya ang pag-akyat ng babae sa itaas. Umupo siya sa upuan at hinintay ang pagbaba ng babae. Pagbaba nito ay may bitbit na itong tshirt na kupas.
“Heto at magbihis ka. Basa na iyang suot mong damit, baka magkasakit ka pa. ” malumanay nitong saad sa kanya at binigay ang hawak na damit.
Kinuha niya ito at ngumite sa babae.
“Thanks.” maikling pasasalamat niya at walang habas na hinubad ang suot sa harapan nito.
Nakita niya ang panlalaki ng mata ng babae at ang mabilis nitong pagtalikod sa kanya na ikinatawa niya ng mahina. She's cute.
Kagat labing tumayo siya. Imbes na ipagpatuloy na suotin ang bigay nitong damit ay nilagay niya ito sa upuan. Bahagya siyang lumapit sa likod nito. Kunting distansya nalang ang meron sila. Gusto niya itong asarin dahil natutuwa siya sa reaksyon nito.
“Pwede ka ng humarap tapos na ako. ” kagat labing saad niya. Pinipigilan niya ang pagsupil ng ngite sa kanyang labi.
Sa pag-ikot ng katawan nito paharap sa kanya ay agad na bumangga ang mukha nito sa kanyang dibdib. Nanigas siya at nanginig ang kalamnan nang maramdaman ang ilong nito sa kanyang dibdib. Malalim na napalunok si Levi dahil sa kakaibang naramdaman nang tumama ang mainit nitong hininga.
Gulat napaatras ang babae. Nilagay nito ang palad sa kanyang dibdib kaya mas lalong nag-init ang kanyang katawan. Mariin niyang pinikit ang mata at napatingala.
Nagsisisi siya kung bakit niya pa ito naisipang asarin. Nagmulat siya ng mata ng mawala ang kamay nito sa kanyang dibdib. Namumungay ang kanyang matang tumungo sa babae.
“P-pasensya na. ” nauutal nitong saad.
Umalon ang kanyang lalamunan ngunit hindi siya nagsalita.
“A-Akyat lang ako. M-Magpapalit ng damit. ” nauutal nitong paalam at mabilis na umakyat sa itaas.
Wala sa loob na sinundan niya ito ng tingin.
Fuck!
Pinakalma ni Levi ang sarili at winaglit sa isipan ang imaheng bigla nalang sumagi sa kanyang utak.
Him, fucking her behind.