CHAPTER FIFTEEN

37 1 0
                                    

“Ganda, dalawang cupcake nga at dalawang pepsi.” nakangiting saad ni Ronnie. Naging suki niya na ito at naging kaibigan narin.

“Heto oh.” saad niya at binigay ang binili nito.

“Sayo na 'yang isang cupcake at isang pepsi. ” napakurap-kurap siya.

“Huh? Hindi na, busog pa ako e. ” tanggi niya. Umiling si Ronnie.

“Hindi, sayo yan. Binili ko 'yan para sayo. ” wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon.

“Salamat.” may tipid na ngiti niyang sabi.

Si Ronnie ay matanda sa kanya ng dalawang taon at nagtatrabaho ito sa isang construction site malapit sa panaderya. Kada alas diyes ng umaga at alas tres ng hapon ay bumibili ito ng tinapay sa kanya at palagi rin siya nitong nililibre. Mabait ito kaya naman, panatag ang kanyang loob sa binata.

“Sige, babalik na ako. ” paalam nito na ikinatango niya.

“Mag-iingat ka. ” saad ko. Namula ang tenga at pisngi ni Ronnie sa hindi niya malamang dahilan. Naging malikot ang mata nito at tumango. Pinanood niya ang pag-alis ni Ronnie hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin.


Umupo siya at kinain ang nilibre nito. Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula nang makita niya ang billboard ni Levi na may kasamang babae. Masakit parin sa dibdib ngunit pinipilit niya na lamang ang sarili na kalimutan ito. Masama ang loob niya kay Levi dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Kung alam niya lang na ikakasal na ito sa iba ay hindi niya isusuko ang sarili niya dito.

Malalim siyang bumuntong hininga.

Huli na ang lahat. Nangyari na at wala na siyang magagawa pa kung sisisihin niya ang sarili. Gagawin niya na lamang iyong aral.

Nang sumapit ang tanghali ay dumating si Aling Luz sa panaderya. May dala-dala itong pagkain.

“Halika dito iha, kumain ka dito habang wala pang costumer. ” tawag nito sa kanya.

Tumango siya at kinuha ang dala-dalang baon.

“May baon po ako Aling Luz. Ito na lang po ang kakainin ko. ” saad niya. Ilang beses na siya nitong pinaalalahanan na huwag nang magbaon dahil libre na ang pagkain niya sa tanghalian. Ngunit, nahihiya siya dito. At isa pa, si nanay Pacita ang palaging naghahanda ng baon niya. Nahihiya naman siyang tumanggi sa matanda.

“May baon ka? Diba sinabi ko na sayo na huwag ka ng magbaon dahil libre na ang pananghalian mo dito? ”

Nahihiyang nagkamot siya ng ulo.
“Siya sige, sa susunod. Ulam mo na lamang ang sasagutin ko. Mag baon ka nalang ng kanin. ” tumango siya rito at nagpasalamat.


Umalis rin agad ito dahil may importanteng lakad pa raw itong pupuntahan. Siya naman, pagkatapos niyang magtanghalian ay hinugasan niya ang kanyang pinagkainan at pinatuyo.


Nang sumapit ang alas tres ng hapon ay umulan ng malakas. Kaya naman marami ang nakikisilong sa panaderya. Bumili narin ang mga ito ng tinapay at kape na hulog-hulog. Matagal bago tumila ang ulan kaya napuno ang tindahan.

“Naku, sigurado akong basang-basa na ang mga anak ko ngayon. Nakalimutan ko pa naman silang padalhan ng payong. ” rinig niyang puno ng pag-aalalang saad ng ginang sa kasama.

“Ako nga rin e, nakalimutan kong padalhan ng payong si Juaquin. Sana naman hindi sumulong sa ulan ang batang 'yun. ” sagot ng isang ginang.

“Iha, pabili nga ako ng dalawang Pan de coco. At dalawa ring ensaymada. ” saad ng ginang. Tumango ako at mabilis na nilagay sa paper bag.

“Bale bente po lahat. ” magalang niyang sabi at inabot sa ginang ang binili. Kumuha ito ng bente sa pitaka at binayad sa kanya.

“Taga rito ka ba iha? Ngayon lang kita nakita dito. Ang ganda mong bata. ” nakangiti nitong tanong. Nahihiyang ngumiti siya ng tipid at tumango.


“Opo, diyan po ako nakatira sa pangalawang kanto. ” magalang niyang ani.

“May boyfriend kana ba? ” sabat ng isang ginang. Umiling siya dito.

“Wala po. ”

“Naku! Sa ganda mong 'yan wala kang boyfriend? May anak akong binata. Gusto mo ireto kita? ” malawak ang ngiti nitong saad sa kanya.

Nahihiya siyang umiling. Wala sa isip niya ang magboyfriend. Parang na trauma siya sa nangyari sa kanya. At parang ayaw niya naring magkaroon dahil nahihiya at natatakot siya. Wala na ang kanyang puri. Hindi na siya birhen, at natatakot siya na baka anong masabi ng kanyang magiging kasintahan sa kanya. Palagay niya ay isa na siyang maruming babae. Na hindi nababagay sa kahit kaninong lalaki. Ang pangako niya sa sariling ibibigay ang sarili sa mapapangasawa niya ay bigla na lamang naglaho simula nang makilala niya si Levi.

“Wala pa ho 'yan sa isip ko. ” tanging sagot niya na lamang.

Nang tumila na ang ulan ay nagsi-alisan na ang mga nakisilong. Kaya naman, siya na lamang ulit mag-isa sa panaderya. Nilinis niya na ang tindahan para mamaya ay deretso na siyang uuwi. Mag-aalas singko narin kasi ng hapon.

May mga bumibili ngunit kakaunti na lamang. Sa pagsapit ng alas sais ay agad na siyang nagsara.

“Uuwi kana? ”

Agad siyang napatalon sa gulat nang biglang may magsalita sa kanyang likuran. Sapo ang dibdib ay nilingon niya si Ronnie.

Nahihiyang nagkamot ito ng batok.

“Pasensya na, mukhang nagulat yata kita. ” hingi nitong paumanhin.

Huminga siya ng malalim at tumango rito. Tinuloy niya ang ginawang pagkandado sa pinto ng panaderya. Pagkatapos niya iyong ikandado ay hinarap niya ito.

“Oo, uuwi na ako. ” sagot niya sa tanong nito kanina.

“Uhm... M–Maaari ba kitang ihatid? ” namumula ang pisngi nitong tanong. Maliit siyang napangiti dahil ang cute nito tingnan. Tumango siya kaya napangiti ito ng malawak.

“Akin na 'yan. Ako na ang magdadala. ” saad nito sabay agaw sa kanyang dalang shoulder bag. Hindi na siya nakatanggi kaya naman hinayaan niya na lamang iyon.

“Ngayon pa lang natapos ang trabaho mo? ” tanong niya habang naglalakad sila pauwi.

“Hindi, kanina pa natapos ang trabaho. Kaso umulan kaya hindi agad ako nakauwi. Sakto namang napadaan ako sa panaderya at na-timingan ang pagsasara mo. Kaya naisipan kong ihatid kita pauwi. ” sagot nito.

Habang pauwi ay marami silang napag-usapan kaya hindi niya namalayang nakarating na pala sila.

“Gusto mong pumasok na muna? ” alok niya.

Umiling si Ronnie.
“Hindi na, salamat na lang. ” sagot nito.

Tumango siya.
“Mag-iingat ka sa pag-uwi mo. At salamat sa paghatid. ”

Ngumiti si Ronnie at ginulo ang kanyang buhok. Napanguso siya dahil doon. Tinanaw niya ang pag-alis nito. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay agad  siyang humarap sa bahay at akmang papasok na sana sa loob ng bahay ng makita niya ang buong pamilya sa bintana. Parehong may malawak na ngisi na animo'y nanunudyo. Nakangiting napailing-iling siya.

Sa kanyang pagpasok ay agad siyang pinaulanan ng tanong ng magpamilya. Tinawanan na lamang niya ang mga ito at sinagot ang tanong kung manliligaw niya ba ito.

“Kaibigan ko lang si Ronnie. ” tanging sagot niya sa mga ito. Pero mukhang hindi naniwala ang mga ito dahil mapanuri parin siyang tiningnan.

Nagkibit balikat na lamang siya at hinayaan ang gusto nilang paniwalaan.


📰 Social media accounts;

🎶 Tiktok;
@miss4phrodite

📷 Instagram;
@aphrodi_tea2

🔖 Facebook account;
Hestia WP
MissAphrodite WP

🔖 Facebook page;
Miss4phrodite Stories



WANTS AND DESIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon