CHAPTER 32

92.2K 1.2K 575
                                        

Napatulala parin ako kahit nakalabas na ang doctor, ni hindi ko maintindihan ang mga hinabilin niya sa'kin at mga vitamins na dapat ko raw inumin. Nabibingi ako sa sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko.

Nakita ko si kuya Derick na paulit-ulit na napahilamos sa mukha niya, pabalik-balik siya sa paglalakad at napahawak siya sa batok niya nang huminto siya sa harap ko.

Nakaigting ang panga niya at namumula siya habang nakatitig sa'kin. Napayuko ako at naramdaman kong nanginginig narin pati yung mga kamay ko.

"Damn him! Nasa kabilang room siya, buti buhay pa ang gago. May plano pa sana akong bumisita ulit doon pero huwag na, baka madadagdagan lang ang benda sa ulo niya! Go and tell him that you're pregnant Zanzea, my head is aching for thinking what to do. He needs to take his responsibility with you! I may want to keep you away to make him pay for everything, but I don't want to be selfish; your child needs a father!"

He went on a long monologue, squeezing my heart with the mix of emotions I was feeling.

Quickly wiping away my tears, I covered my face because I couldn't handle it anymore. I felt weak and exhausted from all the pain and hardships surrounding me.

"Princess... I know that you already know about my feelings for you. I-I may want to fight for what I feel for you, but I don't want to be an obstacle to what's meant for you. It h-hurts, but I have no choice but to let you go... Go on, tell him the truth, Zanzea."

He softly spoke while stroking my back.

"B-But we're not okay, kuya.. I still have resentment and anger towards him... b-but what about my child?"

"Shh... let go of the past, princess. I know the pain and hardships you've endured are not easy, but think about your child. Don't let your child be a person with an incomplete family, don't let him or her get hurt like you. Just tell him, and bahala na kung ano man ang kasunod na mangyari, kapag umayaw siya nandito naman ako na handang alagaan ka. Pero bago 'yon, sisirain ko muna ang pagmumukha niya siyempre."

"K-Kuya..."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago ako niyakap ng mahigpit.

"Let's be wise in choosing our decisions in life. I'm choosing to set you free, and you? You have to choose to be a good mother, a good parents Zanzea."

Hindi ko mapigilang mapaiyak ulit sa sinabi niya. Maybe, I have to let it go, for the sake of my child. Tama siya, hindi ko dapat hayaang maranasan niya ang mga sakit na naranasan ko.

Napabuga ako ng hangin at inalalayan niya ako palabas ng silid. Hinatid niya ako sa unahan at may nadaanan pa kaming dalawang silid bago kami nakarating sa silid kung nasaan siya. Akmang papasok na ako nang bumukas ang pinto, nakasalubong ko si Fritz na nagulat nang makita ako.

Napatingala siya at tinapik ako sa balikat.

"Kayanin mo."

Napakunot noo ako sa kaniya at inataki ako ng kakaibang kaba. Gusto ko siyang tanungin kung anong nangyayari pero kaagad siyang umalis. Parang hindi ako makahakbang papasok dahil sa kaba, nadatnan ko si Rain na nasa tabi niya at may doctor rin sa kabila. Napakilos naman ang mga kaibigan niya nang makita nila ako, kaagad silang lumabas at ang naiwan lang ay si kuya Helcurt.

Napalunok ako at parang hinalungkat ang tiyan ko nang magtama ang mga mata namin, gising na pala siya.

"R-Rain."

Tawag ko sa kaniya, siya ang una kong pinansin kasi hindi ko alam kung anong una kong sasabihin. Napalingon siya sa'kin at nakita ko siyang umiiyak.

"B-Bakit? Anong nangyayari?" tanong ko sa kaniya.

DEVIL'S WRATH 5: Welius Morgan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon