CHAPTER 36

77.8K 924 139
                                        

"Congratulations Zanzea, we're so happy for you sis..."

"Thank you sa inyo, salamat kasi nandito kayong lahat..."

"Asus siyempre 'no, si Diane lang naman yung muntik nang hindi pinayagan na pumunta rito sa Italy kasi sabi ng Dad niya baka nagsisinungaling daw siya at hindi sa kasal mo ang punta." natatawa na sabi ni Mich. Hinampas naman siya ni Diane at inaayos naman ni Grace yung belo ko.

"God, hindi parin ako makapaniwala until now. Imagine? Ikakasal ka sa kuya mo? Sa lalaki na inakala ng lahat ay kapatid mo, kakainis karin na babae ka eh di ka nagsasabi. Nagbabayuhan na pala kayo everyday, tapos bigla nalang kami makatanggap ng wedding invitation, buwisit na 'yan. Kung hindi lang ako yung maid of honor magtatampo ako sa'yo. "

I chuckled at Grace's comment, and they paused as Lauren entered. Her belly had a small bump as she was four months pregnant, while mine was just two months.

"Zanzea..." I hugged her and stroked her back.

"Congratulations, I'm so happy for you..."

"Thanks, Lauren, I'm also happy for you and Clyde."

"Thank you, Zea, thank you for your help. You know you're the reason why he came back to me and asked to get married. I'm so emotional, Zea," she wiped her eyes, and we all chuckled at her.

"Despite what I did to you, you still accepted me. You still treated me as your sister. You forgave me. Your husband is so lucky to have you, Zanzea..."

Napangiti ako sa sinabi niya at pinigilan kong maiyak kasi kahit waterproof yung make up ko ayoko paring magmukhang engot mamaya. 

"Oo nga, masuwerte karin sa kuya mo, este sa future husband mo. Shocked parin kami Zanzea, sarap mo sabunutan eh." dagdag ni Mich kaya natawa ulit ako.

"Sorry na kasi, palihim lang yung relasyon namin eh kaya hindi ko rin nasabi sa inyo."

"Oo na, oh siya aalis na kami dahil malapit ka nang rumampa. Goodluck Zanzea."

Lahat naman sila ay nagbeso sa'kin at nakasalubong nila ang asawa ng mga devils nang papalabas na sila ng silid. I meet them last week, ipinakilala ako ni Welius sa kanila dahil dumalo kami ng wedding anniversary nina kuya Lu at ate Milk. Nakagaanan ko kaagad sila ng loob, although ako ang pinakabata sa kanila pero mukhang magkaedad lang kami dahil sa taglay nilang ganda.

"Wow, you look like a goddess Zanzea. Kaya pala baliw na baliw si Welius sa'yo eh..." I heard ate Coke, nakipagbeso kaagad ako sa kaniya at ganun din silang lahat.

"Oo nga, laging kinukwento ni Helcurt sa'kin noong naglalasing siya at nagwawala pa raw noong umalis ka." dagdag ni ate Harumi kaya namula ang pisngi ko.

"Yeah, sinabi sa'kin ni Colt na binayaran niya yung manager sa bar para lang paalisin lahat ng customers doon para makapagsolo siya." ate Caramel added.

"And, pumalpak pa yung pinlano nilang pagkidnap sa'yo. Ayaw na nga raw ni Lucian na makisali sa susunod kasi baka raw magtransform ka." natatawa na sabi ni ate Milk na siyang nagpatawa sa'kin.

"Kasalanan naman nilang lahat ate eh, buti naawa ako nang sabihin nilang may magagandang asawa't anak raw sila."

We laughed together, and they took another picture of me before bidding goodbye because the wedding was about to start in a few minutes. I gazed at the person who entered, feeling a mix of sadness and forced a smile at them.

"Are you ready, princess?"

"Uncle, i-isn't D-Daddy Ford here?"

He blinked at my question and held me under my chin.

DEVIL'S WRATH 5: Welius Morgan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon