CHAPTER 30

50.9K 633 182
                                    

ZANZEA'S POV

"Zea, pang-ilang egg tart na 'yan?"
Fritz asked me, lumunok muna ako at hindi kaagad ako nagsalita dahil sumubo ulit ako. Ang dami ko nang kinain pero gutom parin ako.

"Zanzea, huwag kang magpadalos-dalos... sobrang dami na nang kinain mo, kanina kapa diyan, baka isuka mo lang 'yan lahat." saway ni kuya Derick, napakunot noo lang ako sa kaniya at nagsubo ng grapes.

"Bakit ko naman isusuka? Eh ang sarap-sarap..."
Nakita kong napangiwi silang dalawa habang nakatitig sa'kin.

"Really? Masarap yung grapes na hinaluan ng egg tart tapos limang apple at mangga? At may plano ka pang magbalat ng orange? Eh para ka nang kumakain ng fruit salad eh." nakangiwing sabi ni Fritz.

"Zanzea, that's enough baka sumama yung tiyan mo."

"Kuya gusto ko pang kumain! Huwag niyo akong pakialaman rito, doon kayo!"

Pinalayas ko silang dalawa dahil ayaw nila akong tantanan. Tinulak ko pa sila palabas ng kusina, nilock ko ang pinto at bumalik sa table at muling nilantakan ang naiwang prutas na kinakain ko kanina. Napapikit pa ako sa sobrang sarap, hindi ko alam ba't sarap na sarap ako sa mga prutas na 'to eh dati naman kapag nakakain ako nito hindi naman ganito yung reaction ko.

After eating, I felt thirsty, but my craving for pineapple was unfulfilled. I quickly spotted some pineapple juice, satisfying my stomach's longing for pineapple. I swiftly poured myself a glass and took a sip. I sighed and sat down, feeling full.

Suddenly, I had to cover my mouth as the food seemed to rush back up. I hurried to the sink and immediately vomited the fruits I had eaten earlier. Hindi nga nagkamali si kuya Derick, naisuka ko nga lahat...

I felt weak afterward and held my mouth after rinsing. I grimaced at the sourness, probably from the juice. Saglit akong natigilan at kaagad na naghanap ng masasandalan dahil parang umiikot yung paligid ko, nahilo nalang ako bigla. Ilang minuto pa ang lumipas bago nawala yung pagkahilo ko.

**********

We've been here for three days now, and I'm not happy, but I'm trying to be okay. We're here, and I can't do anything more, they say... 'Love isn't something you find, love is something that finds you'... So, if we're not meant for each other, I can't do anything about it. It hurts so much for me to leave the place where I learned to love truly. But I have to let it go, so I left because I want to help myself move past the trauma I experienced.

Maybe this is really my fate...

"Bakit ayaw mong magpasama?"

"Gusto kong mapag-isa Fritz, makulit kapa naman."

"Bakit di nalang mamaya pagdating ni kuya? Sama tayong tatlo mas masaya 'yon Zea, isa pa bago ka palang rito. Kahit madali lang ang pagpunta sa gym iniisip ko parin—"

"Stop it Fritz, hindi na ako bata and I can drive too. Sige na puntahan mo na ang restaurant ni kuya, hinihintay kana niya doon."

"Baka kasi pagalitan niya ako kapag hindi kita sinama doon."

"Akong bahala, di 'yon magagalit. Gusto kong mag-work out, nakakapagod matulog buong araw, ayokong tumaba 'no."

Napakamot siya sa ulo niya dahil nagmatigas parin ako. Kaya pala dito kami pumunta kasi may restaurant si kuya Derick dito, nandoon siya ngayon at pinapapunta niya si Fritz doon para dalhin yung laptop niyang naiwan sa room niya.

"Tsk, tigas talaga ng ulo mo. Sige na nga, sumabay kana sa'kin then idadaan kita doon. Dadaanan din kita mamaya, call me if you're done okay?"
Napabuga ako ng hangin at napatango nalang sa huli.

DEVIL'S WRATH 5: Welius Morgan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon