Introduction

483 33 2
                                    

Gabi na at hindi pa rin nila alam kung saan yung daan pabalik sa Maynila. The 8 girls, Jhoanna, Stacey, Maloi, Colet, Sheena, Gwen, Aiah, and Mikha, came from their planned outing sa La Union. Aiah, the oldest of the girls, was driving their rental van at dahil mahina ang signal, hindi na nila alam kung saan sila pupunta.

"Sabi ko sayo Sheena na i-save mo yung waze natin eh. Tignan mo, nawawala na tayo." Reklamo ni Colet sa bunso nilang kaibigan.

"Wow! Kasalanan ko pa? Bakit hindi ikaw nag-save, Ate Colet? Puro ka naman reklamo wala ka naman ambag." Sagot naman ni Sheena sa ate Colet niya.

"Guys! Huwag na kayo mag-away. Na-iistress na si Ate Aiah oh." Saway naman ni Gwen sa dalawa.

"Let's ask na lang. Mahina talaga signal dito eh." Suggestion naman ni Mikha na sinunod naman ni Aiah na siya ang nagda-drive.

Unfortunately, walang tao na dumadaan sa mga dinaanan nila. Kahit buildings or bahay wala. Malapit kase sila sa mga bundok.

"Balik na lang muna tayo sa resort ate Aiah. Baka kase kung saan pa tayo mapunta. Gabi na rin." Sabi naman ni Jho na kina-agree ng magkakaibigan.

Unikot na muli ni Aiah ang sasakyan pabalik sa resort na pinuntahan nila. Tahimik na nagda-drive si Aiah ng biglang may sumulpot sa harapan ng sasakyan na kinasigaw nilang lahat.

"May nasagasaan tayo?" Jho asked.

"Lagot ka, ate Aiah!"

"I-I... I didn't see them kanina." Lumabas naman silang lahat at gustong tulungan kung sino man ang nasagasaan nila.

When they approached, a series of gasped appear ng makita nila ang isang babaeng sugatan at duguan.

"Oh my God! Binunggo ba natin siya ng todo? Bakit duguan?" Takot na sinabi ni Stacey.

Nagulat muli sila ng gumalaw ito at mahinang umungol dahil sa nangyare sa kanya. "Tulungan na natin." Maloi said at sumunod din sila Jho at Mikha.

Napansin naman bigla ni Mikha na isang magandang babae pala ito. Kahit nababalot siya ng siuat at dugo, kita kung gaano kaganda na kagwapo din ito.

"T-t... t-tak... t-takbo..." Rinig nila noong bumigkas ito.

"Dalhin na natin sa ospital." Colet suggested.

Laking gulat ng mga magkakaibigan na may dumating mga armored van dito at lumabas ang mga tao na may hawak na baril.

"Huwag ninyo siya hawakan. Lumayo kayo sa kanya." Utos ng isang matandang lalaki na malalim ang boses.

"H-Hindi po namin siya pinatay! Maniwala kayo!" Sigaw ni Maloi na nagsi-taasan din sila ng kamay.

"Ang OA mo bakla." Bulong ni Gwen kay Maloi.

"Gusto lang po namin bumalik pa-Maynila tapos bigla na lang po siya sumulpot." Sagot naman ni Aiah sa mga lalaki pero hindi sila pinansin. Mas busy sila sa babaeng sugatan at baldado.

Dahan dahan umatras ang mga babae at tinignan ang ginagawa ng mga grupo na lalaki sa babaeng ito. Gusto tumulong ni Mikha dahil may kakaibang feeling siya na may masama silang gagawin sa babaeng ito.

"What're you going to do with her?" Hindi na ma-iwasan itanong ni Mikha.

Again, hindi sila sumagot. Akmang kakargahin na nila ang babae pero dumilat ang mga mata ito at nakilala agad ang mga armadong lalake.

Tumayo ang babae at tinulak ang mga gustong kunin siya. "Don't shoot her!" Sigaw ng matandang lalake.

Ang babaeng sugatan naman ay pinag babato ang mga katawan ng armadong lalake at pinag-susuntok.

Ang magkakaibigan naman ay biglang nagtago sa kanilang van at pilit pinapagana ang sasakyan.

"Bakit ngayon pa ayaw mag-start?!" Stress na sabi ni Aiah.

"Oh my God!" Hanga na sabi ni Colet habang pinapanood ang babaeng nabangga nila.

Paubos na rin ang mga armadong lalake ng biglang may tinurok ang matandang lalaki sa likod niya.

Pero bumagsak din ang matandang lalake dahil hinampas ni Mikha ang ulo nito gamit ang isang batuta na nakita niya sa lapag.

"Mikha!" Sigaw ng mga kaibigan niya. Nagsilabasan sila at linapitan si Mikha.

"Ano ginawa mo?"

"Pinatay mo na?"

"Unconscious lang." Sagot naman ni Mikha. Tumingin silang lahat sa baldadong babae ng bumagsak bigla ito.

"Tulungan natin." Sabi Jhoanna at tumulong din sila.

"Dalhin na natin sa malapit na hospital." Suggestion ni Gwen.

"Ayaw gumana ng sasakyan." Sabi naman ni Aiah.

"Mga ate! Look!" Tawag ni Sheena at tinignan naman nila yung tinuro ni Sheena.

It was the girl. Suddenly sumasarado ang mga sugat niya ng wala man lang gumagamot sa kanya. Marumi pa rin siya pero hindi na duguan.

"Tulong..." iyon na lang ang huling sabi ng babae at pumikit na ang mga mata niya.

"A-Ano nangyare?" Nanginginig na sabi ni Stacey.

"Guys. May signal na." Tumingin naman silang lahat kay Gwen dahil sunod sunod ang pag notif ng phone niya.

"Ate Aiah, ayaw pa rin gumana yung car?" Mikha asked.

Tumayo naman si Aiah at nagreklamo. Naglalakad pabalik sasakyan. "Wala pa nga eh. Ano kaya nangyare—" napatigil siya sa pagsasalita na biglang niya muli trinay buhayin ang van at sa isang click, gumana bigla.

"Tara na, dalhin na natin siya sa ospital." Utos ni Colet at agad nilang inangat ang babae.

"Ang bigat!" Reklamo ni Stacey ng kinarga nila ang babae.

"May muscle kase, parang kay Ate Jho." Sagot naman ni Sheena na nahihirapan din buhatin siya.

"Hindi naman ako ganito kabigat kahit may muscle ako." Sumagot din si Jhoanna sa kanila.

"Oh my God! May abs!" Napatingin naman sila ng sinabi ni Maloi iyon. Hindi akalain na naingat din ni Maloi ang damit ng babae.

"Ibaba mo nga iyan! Minamanyak mo pa yung tao." Saway sa kanya ni Gwen.

Once na nai-sakay na nila ang babae, agad na sila umalis sa lugar at iniwan ang mga lalakeng naka-handusay sa daan.

"Babalikan ba natin sila?" Natanong ni Stacey sa mga kaibigan niya.

"No way! They hurt her." Sagot naman ni Mikha.

"Sabi natin mag uunwind lang tayo. Bakit tayo nahulog sa ganitong sitwasyon?"

"Let's just drop her sa hospital at i-report ang nangyare sa mga pulis." Iyon na lang ang suggestion ng nakakatanda na kaibigan at nanahimik na lang sila.

Save Me (BINIxFemReader)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon