21

4 1 0
                                    

.
.
.
.
.

-Sa loob ng bahay nila Cai-

Tumungo na nga kami sa kwarto ni Cai sa taas habang patuloy parin akong umiiyak. Patuloy parin ang malakas na ulan pati ang pag kulog at kidlat sa labas.

Giniginaw na rin kaming dalawa dahil sa sobrang lamig at basa namin mula sa ulan.

"Lika, doon tayo sa kwarto ko," wika pa ni Cai sa akin at inalalayan nalang din niya ako paakyat oapunta sa taas

-Sa kwarto ni Cai-


Agad agad nga niya akong ipinaupo sa upuan malapit sa desk niya

"Sandali, diyan kana muna at kukuha lang ako tuwalya," saad oa niya st dumiretso sgad sa wardrobe niya

Mabilis ngang pumunta si Cai sa wardrobe niya oara kumuha ng tuwalya. Hindi na rin ako gaanong umiiyak pero patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko. Himdi ko naman mapigilan ang sarili ko pero buti nalang at nandiyan si Cai na nagpapakalma sa akin.

"Tama na Cai." sambit pa ni Cai sa akin

"Oh heto, gamitin mo nalang tong tuwalya ko, basa pa kase yung isa" wika pa niya habang inaabot ang kanyang tuwalya

"Sa- salamat C-Cai" utal ko pang sabi sa kanya habang di parin mapigilang maluha

"Walang anuman," sabi naman niya

"Pano ka,?" ikling tanong ko ulit sa kanya

"Wag mo na akong alalahanin, ayos lang ako," sambit din niya

"Sige dyan ka na muna, magpatuyo kana muna dyan kuha lang ako maligamgam na tubig." wika pa niya at bumaba na sa kwarto upang kumuha ng tubig

"Cge," wika ko habang nilalamig parin

Makalipas din ang ilang minuto, napatuyo ko na rin ang buhok ko. Tumila na rin ang malakas na ulan pati na rin ang pag kulog at pag kidlat.

"O heto, uminom ka muna," wika naman ni Cai sa abot sa basong may maligamgam na tubig

"Salamat," ikling sabi ko naman at kinuha na rin ang inaabot niya

"Walang anuman," wika naman niya at umupo sa tabi ko

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong pa ni Cai sa akin habang hinihimas ang likod ko

"Uhmm, medyo ayos na ako, salamat sayo," sagot ko naman sa kanya

"Buti kung ganun," saad naman niya sa akin

"Tsaka maligo kana, basang basa na damit mo at baka magkasakit ka pa niyan" pag aalalang wika naman ni Cai sa akin

"Kuha kang ako isusuot mo," dagdag pa ni Cai sa akin

"Teka, hindi na Cai. Kailangan ko ng umuwi baka nag aalala na si Lola sa bahay tungkol sa akin!!" saad ko naman sa kanya habang nag hahanap ng damit

"Tinawagan ko na si Lola kanina, sinabi ko nalang din na dito kana matutulog dahil sa malakas na ulan, tsaka pumayag naman si Lola," sabi naman ni Cai sa akin

"Ganun ba," ikling saad ko

Nakalimutan ko na din palang naging close din pala sila Cai at Lola noon, sila din ang madalas na magkakampi kapag nag aaway kaming dalawa sa bahay noon.

"Oh heto, isuot mo nalang itong jersey ko, tsaka papahiramam nalang kita ng short at boxer brief" saad pa ni Cai sa akin dabay ng pag abot niya sa mga ito

"Ma- maraming sa- salamat" utal kong sabi

"Oh sige na, mag shower kana," saad pa niya

"Eh ikaw, pano ka?" tanong na sabi ko sa kanya

"Naku, ayos lang ako. Wag mo na akong problemahin tsaka di naman ako giniginaw," paliwanag naman ni Cai sa akin

"Sige, ikaw bahala," sabi ko naman at pumasok na sa loob ng banyo

.
.
.
.
.

Habang naliligo nga ako, hindi ko parin maalis sa isipan ko ang ginawa ni Cai kanina sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya lalo na at pinatuloy pa niya ako dito sa bahay nila. Sadyang saya ko lang dahil kahit anong pag iiwas at hindi ko pag pansin sa kanya noon ay nandito parin siya, hindi niya isinara ang puso niya sa nakaraan. Siguro, hindi ko nalang muna sasabihin ang nararamdaman ko sa kanya, titiisin ko nalang lahat lahat makasama at maka piling siya sa kahit konting sandali. Baka kung aminin ko ang nararamdaman ko sa kanya ay doon na magbabago ang lahat, baka siya na ang mismong umiwas at hindi na niya ako papansinin kahit kailan man.

Kaya ngayon, pagiging kaibigan nalang muna ang turing ko sa kanya kahit hindi naman dapat kaibigan lang ag turing ko sa kanya. Kakayanin ko to, mahirap pero gagawin ko.

Napatigil nga ako sa pag iisip ng biglang kumatok si Cai sa pinto

"Kyle,!!" tawag pa niya sabay ng pagkatok sa pinto

"Ayos ka lang ba diyan?" sigaw na tanong ni Cai sa akin

"Oo ayos lang, malapit na ko matapos," sigaw na sagot ko naman

Pagkatapos ko ngang naligo ay nagbihis na ako, kinuha ko na nga ang boxer brief ni Cai sa sampayan. Hindi ko nga naiwasan ang sarili ko ng biglang inaamoy ito.

Shet ang bango

Hoy Kyle, umayos ka nga - my alter ego

Mabilis ko na ngang isinuot ito kasama ang short. Isinuot ko na rin ang jersey niya, favorite number ko nga rin ang inilagay niya dito. Ito rin ang suot nila nung unang championship nila noong senior highschool palng kami, super memorable noon yung araw na iyon sa amin.

Pagkatapos kong nagbihis, lumabas na rin ako habang si Cai ay nakatayo sa pinto.

"Tapos na ako" bungad na sabi ko sa kanya habang nasa garap ko na naka titig sa akin

"Ah, buti naman," wika naman niya

"Ayos lang ba yang damit sayo?" tanong pa nito sa akin habang tinitignan ang suot kong damit

"Ah oo, ayos lang naman, kasyang kasya" sagot ko sa kanya

"Ligo kana din, baka magkasakit ka pa ng dahil sa akin" dagdag na sabi ko kay Cai

"Sige" ikling sagot naman ni Cai at kinuha na ang tuwalya sa kamay ko at pumasok na rin siya sa loob

Pagkapasok niya sa loob ay dumiretso na nga ako sa kama niya. Hindi nga ako mapakali sa inip ko kaya nag ikot ikot muna ako sa kwarto niya. Ng hanggang sa nakita ko ang picture naming dalawa na naka frame sa side ng tv, agad agad ko namang kinuha ito at tinignan ng malapitan.

Itong picture na ito pala ay noong graduation day namin noong senior highschool na kami, sinulit nga namin yung araw na ito ng kaming dalawa lang, sarap balikan itong panahon na ito. Lagi ko rin itong iniisip kapag malungkot ako lagi, itong araw na ito kase ang masasabi kong super saya namung dalawa, pagkatapos nang graduation namin e, lumabas kaming dalawa na kami lang, nanood ng sine, sumakay sa ferris wheel, nag bike ride sa park at ng sumapit na ang gabi ay nag stargazing oa kamung dalawa sa dagat noon.

Ang saya saya ko kapag kasama ko siya, ang gaan gaan ng mundo ko sa tuwing nasa tabi ko siya

.
.
.
.
.

Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 7 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

University Series #2: In the name of Love (BL) OngoingWhere stories live. Discover now