CHAPTER 28

330 6 0
                                    

YURI'S POV  (Cindy)

Nakabalik na ako sa mansion, tapos na ang maliligaya kong araw sa labas kaya back to reality na tayo sa trabaho natin.

Sa ngayon dito ako na assign sa loob ng mansion kung saan ako ang maglilinis ng buong bahay. Hindi naman mahirap kasi madami naman kaming maglilinis. Kaya hindi siya mabigat na trabaho.

"Hello everyone!" Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin at do'n nakita si Monique habang nakakapit sa braso ni Hendrix.

Kita ko sa mga Mata niya ang sobrang saya nito. Ilang months din kayang hindi ko nakita ang babaeng 'to. Bumaba ang paningin ko sa wrist nito at nakita ko na may benda sa wrist niya. Ngunit, hindi ko na yun pinagtuunang pansin. Ang pinagtuunan ko ng pansin ay si Hendrix na kung saan napaka aliwalas ng mukha niya.

"Hoy maglinis ka diyan! Titig na titig ka kay Senyorito. Pag ikaw makita ni Madam Fevarri na titig na titig sa anak niya, naku! baka hindi kana masilayan ng araw" bulong sa akin ng kasama ko kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Sinundan ko ng tingin si Hendrix paakyat sa kwarto nito habang hindi parin mawala sa mukha ni Monique ang saya.

"Cindy!"

"Po?" Tinignan ko ang mayor doma ng tawagin niya ako.

"Sa 3rd floor ka maglinis"

"Po?"

"Sa 3rd floor ka mo maglinis! Hindi pa marinig!?"

"Ahh na-narinig ko po, si-sige po"

Kung sinuswerte ka nga naman, bwesit naman oh!

Kaya ito wala akong choice kundi umakyat sa 3rd floor upang do'n maglinis.

Nang makarating ako ay nilinga ko pa ang ulo ko sa buong paligid.

"Shit! bakit ang tahimik dito? Wala pang tao, baka mamaya niyan eh bigla nalang akong mapunta sa isang palasyo. Hoy! huwag naman sana takot pa naman ako sa mga engkanto. Peru, kung poging engkanto why not, diba? Peru, yah to be honest nakakatakot dito sa 3rd floor. Maliban sa maraming kwarto, medyo madilim siya at wala manlang katao tao. Unlike sa second floor. Peru, haisst hindi ako naniniwala sa engkanto kaya patuloy tayo sa paglilinis"

Habang nag vavacuum cleaning ako hindi ko maiwasan ang mapagmatyag baka maya-maya niyan eh bigla nalang talaga ako mapunta sa ibang mundo.

Noooo..... Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito.

TIC TAC TIC TAC TIC TAC TIC TAC

"shit! pati tunog ng wall clock nakakabahala na!"

Kahit takot na takot ako ay nagpatuloy parin ako sa paglilinis hanggang sa may narinig akong tunog ng sapatos na kung saan naglalakad ito papunta sa direction ko.

"Fuck!"

Hindi ko maiwasan ang hindi mapa mura ng biglang humangin ng malakas kasabay no'n ay ang paggalaw ng mga naglalakihang puting kurtina.

"Shit! katakot!"

CCCCREEEEEEAAAAKKK

Mabilis na naagaw ang attention ko ng dahan-dahang nag bukas ang pintuan na nasa dulo at yung tunog nakakatakot.

"A-ayaw ko na di-dito" dali-dali kong tinanggal ang vacuum sa saksakan at akmang aalis na ako ng biglang may humawak sa kamay at sobrang lamig nito.

Sexret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon