CHAPTER 5
HENDRIX'S POV
"Mom, you're not going to believe what just happened" tuwang tuwang wika ko kay mom sa kabilang linya.
"What happened baby? Are you finally going to introduce us to your twins?" excited na tanong niya na ikina simangot ko dahil hindi pa naman ito ang oras para ipakilala ko sila sa dalawa kong kakambal.
"No mom, but she called me kuya. My sister called me kuya and I think she's not mad at me for not telling her" masaya pang sabi ko sakanya.
"That's good, baby. I can't wait to meet them." ani pa niya na ikina ngiti ko rin.
Halatang excited na talaga si mom na makilala ang dalawa. Alam naman nilang nahanap ko na ang dalawang kakambal ko pero hindi pa ito ang tamang oras para makilala nila sila.
Our world is too dangerous for the both of them specially for kenzo. "I need to go-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao. Iniend ko na ang tawag at tumingin sa likod ko.
Nagulat naman ako nang makita ko si kenzo don. Naka tingin lang siya saakin ng seryoso pero ramdam ko na galit siya sakin at hindi ko alam kung bakit.
"What are you doing here, mckenzo?" walang emosyong tanong ko sakanya. Nag lakad naman siya palapit sakin at sinamaan ako ng tingin.
"Where's my sister?" balik na tanong niya pa sa malamig na boses. Kunot noo ko naman siyang tiningnan at lihim na napa ngisi dahil mukhang alam niyang hindi niya kakambal ang nakaka sama niya.
"Kakaalis lang niya hindi ba? Kasama ang Black Knights at Dark Horizons" kalmadong wika ko pero umiling iling lang siya.
"She's not my sister" madiing sabi niya na ikina ngiti ko na talaga. Just like what I expected. He knows her too well.
"Ano bang sinasabi m-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang naging mabilis ang kilos niya at sa isang iglap lang ay hawak na niya ang braso ko at naka tutok na ang baril niya sa ulo ko.
Agad namang naalerto ang mga tauhan ko na naka paligid saamin at tinutukan din nila ng baril si kenzo. "Lumabas na kayo" maawtoridad kong utos sa kanilang lahat at sumunod naman silang lahat.
"You can kill me now" malamig kong saad kay kenzo nang maka alis na ang lahat ng bantay ko.
"Kapag pinatay kita ngayon dito hindi ko na malalaman kung nasaan ang kakambal ko." mas malamig ang boses niyang sabi.
Mukhang galit na talaga siya. "Ano namang naisip mo at pinag pipikitan mong alam ko kung nasan siya?" tanong ko pero mas inidiin lang niya ang baril sa ulo ko.
Hindi siya nag salita pero hinila niya ako papunta sa training room kaya medyo kinabahan ako dahil baka makita niya si dementer don.
Hindi pa niya pwedeng makita ang kakambal niya dahil baka mag karoon ng problema. "Hindi ko alam kung nasaan ang kakambal mo" pag sisinungaling ko sakanya pero mukhang wala talaga siyang balak maniwala dahil tuloy tuloy lang siya sa pag hila sakin.
Kayang kaya ko siyang patumbahin ngayon pero hindi ko kayang saktan ang kakambal ko. Mas pipiliin ko pang masaktan ako kesa sa masaktan silang dalawa ni dementer.
Nang maka pasok kami sa training room ay tumigil na siya sa pag hila saakin at bumungad naman sakin si Shadow at Dementer na mukhang gulat na gulat sa nakita.
Nag kibit balikat lang ako at inaayos ang suot kong salamin para ipakita sa kanila na ayos lang ako.
"Luhan? Kasabwat ka rin niya sa pag tatago sa kakambal ko?" gulat na tanong ni kenzo pero hindi siya sinagot ni Shadow.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT MASK (STQ BOOK 2)
ActionSYNOPSIS Everything is fine, not until this girl enter their school. Who is she? Emotionless eyes, dangerous aura, and cold voice. When they saw her a familiar feeling makes them wonder Who really is that person Behind that Mask?