PROLOGUE
SOMEONE'S POV
Kung hindi ka lalabas sa pinag tataguan mo ng kusa then ako mismo ang gagawa ng paraan para lumabas ka.
HER POV
"Who's your boss?" malamig na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko pero hindi manlang siyang nag salita at nginisian lang ako.
"Patayin mo nalang ak-" hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita at isinaksak ko na sa tiyan niya ang katana ko.
Mabilis lang naman akong kausap.
Binitawan ko na siya at itinulak palayo saakin. Pinasadahan ko naman ng tingin ang kalye. Maraming bangkay ang nag kalat sa kung saan saan.
Hindi ako pwedeng mag iwan ng kahit isa sa kanila dahil siguradong makaka pag report sila sa nag utos sa kanila kung nasaan ako.
Walang may pwedeng maka alam kung nasaan man ako dahil gusto ko nalang mag karoon ng tahimik na buhay. Wala ring may pwedeng maka alam ng tunay kong pag kakakilanlan at maka kita ng mukha ko dahil mag kakaroon ng problema.
Hindi ko alam kung paano nila ako nahahanap pero sigurado akong isa lang ang pala tandaan nila para mahanap ako at 'yon ay ang kulay violet kong mata. Lalo't hindi na ako nag susuot ng contact lens at naka face mask pa ako tuwing lumalabas.
Inayos ko nalang ang face mask na suot ko at muling pinasadahan ng tingin ang mga napatay ko at pag katapos tinawagan ang mga tauhan ko para linisin ang ginawa kong kalat.
Hinigpitan ko ang pag kakahawak sa katana ko at sumakay na sa kotse ko dahil siguradong hinahanap na ako ng dalawang tao na 'yon.
Ang mag panggap na patay na ang pinaka mahirap na bagay na ginawa ko dahil hindi na ako makaka balik sa dating buhay ko.
Well wala naman akong balak bumalik at mag pakita sa kanila dahil hindi naman sila nag effort na hanapin ako nang mawala ako.
Hindi ko nga alam kung alam ba nila ang nangyaring aksidente saakin dahil hindi manlang nila ako hinanap.
Kahit ang pamilya ko hindi ko narinig mula kay hendrix at Shadow na hinahanap ako. In short they abandoned me.
Muntik na kaming mamatay ni Shadow mabuti nalang at may nag ligtas saaming dalawa. Dalawang buwan akong nasa comatose pero wala manlang bumisita sakin na kahit sino sa mga taong inaasahan ko.
Siguro ay hindi naman talaga ako ganon kahalaga sakanila pero wala na akong pakialam ngayon dahil isang taon naman na ang lumipas.
Wala na akong balak bumalik at mag pakita sakanila dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon. The person who save me change my identity.
Napa buntong hininga nalang ako dahil bumalik nanaman sa isip ko ang mga nangyari. Nang makita kong malapit na ako sa bahay ay binagalan ko na ang pag papatakbo sa sasakyan ko.
Inayos ko muna ang mask na suot ko at bumaba na sa kotse. Sumalubong naman saakin ang malamig na hangin.
Nasa bahay na kaya siya?
Pumasok na ako sa bahay at saktong naabutan ko naman siya don na naka upo sa sofa at nanonood ng tv.
"You killed 47 mens just now." malamig ang boses na bungad niya saakin. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon.
"I wonder who's their boss?" Malamig na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Nag kibit balikat lang siya para sabihing hindi rin niya alam kaya inirapan ko nalang siya.
Inihagis ko ang katana ko na punong puno ng dugo at humiga sa mahabang sofa na katabi ng kinauupuan niya.
Hinubad ko rin ang face mask nas suot ko para maka hinga ako ng maayos. Masyadong nakaka pagod.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT MASK (STQ BOOK 2)
AcciónSYNOPSIS Everything is fine, not until this girl enter their school. Who is she? Emotionless eyes, dangerous aura, and cold voice. When they saw her a familiar feeling makes them wonder Who really is that person Behind that Mask?